SINIGURADO ni Manila Mayor Isko Moreno na “cash” ang matatanggap na ayuda ng Manileño mula sa ayudang ipagkakaloob ng national government.
Ang pahayag ay ginawa ni Moreno habang papunta sa Osmeña High School sa Tondo, para tanggapin ang kanyang unang dose ng bakuna kontra COVID 19.
Ayon kay Moreno mas gusto niya na cash kesa “in kind” ang ibigay sa mga residente para mabigyan ang taga-Maynila ng pagkakataon na mabili ng mga ito ang mas importanteng pangangailangan.
Sinabi ng alkalde na hindi pa nila natatanggap ang sinasabing ayuda at kaagad itong ipamamahagi sa sandaling dumating bunga na rin na na-extend pa ng 1 linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) mula Abril.5 hanggang Abril.11.
Nanawagan si Moreno na huwag pulitikahin ang ayuda na ibibigay umano sa Martes ,Abril 6.
“Tulong nga ito,kaya walang epal dapat,nakikita naman ninyo yung ipinamamahaging food pack walang pangalan ng pulitiko,”ayon kay Moreno. (ANDI GARCIA)
The post Ayuda ng mga taga-Maynila, cash — Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: