ANG Manila Emergency Operation Center (MEOC) sa ilalim ng Manila Health Department (MHD) ay mayroon ng updated RT-PCR swab testing hotlines upang tumanggap ng mas maraming tao na gustong magpa-swab test ng libre.
Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na giniit na ang drive-thru swab testing sa Quirino Grandstand ay strictly by appointment lamang.
Base sa report mula kay MEOC chief Dr. Ed Santos, Moreno, sinabi ni Moreno na ang drive-thru swab center ay may schedule na 100 katao araw-araw at ito ay first-come, first-served basis at base sa mga naka- schedule na appointments.
Ang swab testing ay nanatiling libre simula ng itayo ang center at ito ay tuloy-tuloy na ibinibigay ng MEOC sa ilalim ng pangangasiwa ni MHD chief Dr. Arnold Pangan kahit sa mga non-residents ng Maynila.
Ayon kay Santos ang lahat ng mga interesado sa libreng swab testing ay maaaring tumawag sa mga sumusunod na hotlines: 09555875981; 09983226367; 09555875976; 09052423327; 09636023177 at 09615869957.
Ipinaliwanag ni Santos na kailangang tumawag muna para ma-interview at ma-encode sa system bago bigyan ng schedule para sa swab test.
Ayon pa kay Moreno, maaring magpa-swab hindi lamang ang mga na-exposed sa COVID positive na indibidwal kundi maging ang mga hinihingan ng COVID test result para sa kanilang trabaho at maging sa mga taong gusto lamang ng kapanatagan ng isip.
Kapag lumabas na ang resulta, ang system sa Sta. Ana Hospital sa ilalim ni Dr. Grace Padilla ay tatawag at ipapadala sa pamamagitan ng email. Kung wala namang email ang nagpa-swab test ay tatawagan siya ng MEOC, paliwanag ni Moreno.
May kabuuang 198,698 indibidwal na ang sumailalim sa libreng swab testing na tuloy-tuloy na ibinibigay ng city government hindi lamang sa drive-thru kundi maging sa anim na city-run hospitals.
Samantala, inulat ng alkalde sa kanyang live broadcast ang occupancy rate sa anim na pagamutan ng lungsod at ito ay 59 percent habang ang quarantine facilities naman ay may occupancy rate na 37 percent. Simula pa noong Lunes ang lungsod ay mayroong 416 na bagong COVID-19 infections , tatlo ang nasawi at 449 ang gumaling. (ANDI GARCIA)
The post Bagong hotline ng MEOC para sa libreng swab test — Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: