Facebook

Bgy. officials sa ‘lugaw’ kinasuhan

INIREKLAMO sa piskalya ang punong barangay at ilang opisyal sa kontrobersiyal na pagharang sa delivery ng lugaw nitong nakaraang buwan sa Barangay Muzon, San Jose del Monte, Bulacan.
Magugunitang nag-viral ang video kungsaan mapapanood na pinapagalitan ng mga barangay official ang Grab Food rider dahil sa paglabag sa curfew. Sinabi rin nilang hindi “essential” ang lugaw.
Grave threat at grave coercion ang isinampang reklamo ng rider na si Marvin Ignacio at ng may-ari ng lugawan laban sa mga opisyal ng barangay.
Base sa sinumpaang salaysay ni Ignacio, tinakot sila ng mga taga-barangay at itinaboy.
“Hindi naman po kami tambay eh, nagtatrabaho po kami,” ani Ignacio.
Mayroon din siyang natanggap na mensahe ng pagbabanta sa kaniyang Facebook Messenger na labis niyang ikinabahala.
Natatakot si Ignacio para sa kaniyang buhay pati sa kani-yang pamilya.
Dahil sa nangyari, naghanap sila ng ibang tirahan at pansamantalang huminto sa trabaho dahil sa takot at trauma.
Ayon naman kay Mary Jane Resurreccion, may-ari ng lugawan, nakaranas din sila ng harassment sa mga opisyal ng Barangay Muzon.

“Hindi ko po alam bakit sila nagpupunta sa Lugaw Pilipinas para i-check… tuwing pupuntahan, tumatawag mga tao ko kaya naririnig ko mga pagsita nila at pambu-bully sa mga Grab driver, na hindi talaga maayos,” ani Resurreccion.
Pinagbantaan din siya na hindi bibigyan ng permit at pahihirapan.

The post Bgy. officials sa ‘lugaw’ kinasuhan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bgy. officials sa ‘lugaw’ kinasuhan Bgy. officials sa ‘lugaw’ kinasuhan Reviewed by misfitgympal on Abril 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.