Facebook

Ex-army huli sa rape sa 10 anyos

HIMAS rehas na bakal ngayon ang dating militar matapos madakip sa kasong panggagahasa sa 10-anyos na babae sa Barangay Saba, Hermosa, Bataan.
Kinilala ni Police Major Melanio Santiago, hepe ng PNP Hermosa, ang naaresto na si Danilo Lalin, 48, nakatira sa nabanggit na barangay.
Sa report, naaresto si Lalin sa tulong nila Hermosa Councilor Luz Samaniego, Bgy. Saba Councilor Liza Tolentino, at Bgy. Health Worker Maricar Valiente.
Taon 2017 nang simulan ang ginagawang panghahalay ni Lalin sa dalagita at inulit nitong Abril 20, 2021.
Ayon sa ulat, nakunan pa si Lalin ng isang baril at mga bala at isang fragmentation grenade.
Nahaharap sa kasong Rape at illegal posession of firearmas si Lalin.(Rey Velasco)

The post Ex-army huli sa rape sa 10 anyos appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ex-army huli sa rape sa 10 anyos Ex-army huli sa rape sa 10 anyos Reviewed by misfitgympal on Abril 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.