Facebook

Water bill ng isang bahay umabot ng P909K

ISANG netizen ang nagbahagi ng kanilang kagulat-gulat na halaga ng water bill sa social media nitong nakaraang araw.
Umabot lang naman sa P909,625.80 ang kabuuang halaga ng bill na kailangan nilang bayaran para sa buwan ng Abril.
Makikita pang may 10% discount sa baba ng naturang bill kaya’t nasa P820,446.80 ang kailangan nilang bayaran bago mag-due date.
Reklamo ni Rain Gonzales, uploader: “Hindi sasapat ang P4k na ayuda sa bill na halos million ang halaga!”
“Shuta! Daig pa namin may-ari ng Resort World tsaka Okada, napakataas ng tubig namin! Potek P1k nga wala kame P900,000 pa! What the fuck,” dagdag pa niya sa naturang post.
Wala namang malinaw na ekplenasyon sa naturang post kung bakit umabot sa ganoon kalaki ang kanilang bayarin.
Samantala, nakipag-ugnayan na ang GoCavite kay Gonzales upang malaman kung nakipag-usap na sila sa kumpanya ng patubig ng kanilang lugar o kung naaayos na ang naturang bill.
Sa isang hiwalay na post, ibinahagi ni Rain na naayos at nabago na ang kanilang bill.
“To clarify okay na po ito. Naibigay na po ng General Trias Water District ang Original na bill namin from almost P1M naging 783 pesos nalang po ito. Salamat po sa pagpansin ng post ko. Salamat po,” Go Cavite Rain Gonzales.

The post Water bill ng isang bahay umabot ng P909K appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Water bill ng isang bahay umabot ng P909K Water bill ng isang bahay umabot ng P909K Reviewed by misfitgympal on Abril 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.