SA mismong balwarte ni Vice President Leni Robredo nagkaroon ng panunumpa ang mga bagong opisyales ng Hugpong para Kay Sara 2022 kamakalawa.
Sa personal na pagdalaw ni Hugpong ng Pagbabago (HNP) secretary general at dating Davao Del Norte Gov. Anthony Del Rosario sa Legazpi City, Albay, pormal na nanumpa bilang opisyales ng Hugpo sa ilalim ng Legazpi City Chapter sila JCI Senate Philippines national president Gregorio Araneta Lipa bilang presidente at JCI Legazpi president Cezar Bordeos Jr., bilang bise.
Si Bordeos at ama nito na si dating Lagazpi Mayor, Judge Cezar Bordeos Sr., ay kilala bilang mga suporter ng Liberal Party mula sa mga nakalipas na taon. “Si Sara ay mayroong ideal characteristics para maging mabuting leader at naniwala kami sa kanyan husay, mas mapapabuti ang ating bansa,” pahayag ng batong Bordeos.
Nanumpa din bilang opisyales sila Mariano Madella bilang sekretaryo at Luis Bello bilang public information officer. Sa mga darating na araw, inaasahan pa ang patuloy na pagdami ng mga kaalyado na lalantad upang suportahan ang kampanya ni Mayor Sara Duterte bilang susunod na President ng bansa.
“Ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) ay taos puso na nagpapasalamat sa lahat ng ating kababayan na nagtitiwala ng malaki kay Mayor Sara. Hindi po kayo mabibigo,” maikling pahayag ni Del Rosario. Ayon sa kanya, magiging abala ang Hugpong para kay Sara 2022 sa pag-ikot sa lahat sulok ng bansa.
The post Bicol Region, pinalakas ang Hugpong Sara 2022 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: