Facebook

Panawagan laban sa kurakot!

TUNGHAYAN naman natin mga KASIKRETA ang dalawang kalatas na kapwa naglalarawan ng kanilang matinding himutok sa ating mga pinuno ng pamahalaan, kasama ng ilang opisyales at kagawad ng Philippine National Police (PNP).

Dear Sikreta,

PANAWAGAN po ito ng mga mamamayan kay Gen. Bahotista at sa kanyang amo . Pahiya yata kayo sa ginawa ng mga kababayan natin na nag-ambag-ambag para tulungan ang mga tao sa isang taong mahabang pagkagutom? Samantalang ang inutang ninyong trilyones ay di nakinabang ang maraming mamamayan na apektado ng kagutuman. Pinagkukurakot lang ninyo ang trilyones. Mga halang ang kaluluwa, sagad din sa buto ang kahayupan ninyo, maiitim ang inyong buto, mga walang awa sa mga nagugutom. Matakot kayo sa Diyos, kung may pagkilala kayo sa kanila. Sabi ng Diyos “pakainin ang nagugutom, painumin ang nauuhaw at higit sabi din ng Diyos “ Wag kang magnanakaw”. Ang mga iyan nilabag nyo, hindi nyo sinunod. Mga satanas, demonyo kayo, mga tinamaan kayo…. ng magaling!! (Juan po ng Maynila)

MORO-MORO ANTI-COCKFIGHTING DRIVE!

Dear Sir,

Ilang araw po lamang ay naglunsad ng magkakasunod na raid ang Batangas PNP Provincial Police Office laban sa mga sabungero sa “tupadang-bayabasan”. Ito po ay kung tawagin din dito sa Batangas ay “kalabitan, “wala namang ipinatayong istruktura para sa pagpapatupada at ang nagsisilbing bakod ay ang mga taong nakapaligid sa naghahatawang mga tinale.

Sa Sto. Tomas City ay apat katao ang inaresto sa Brgy. San Agustin, sa Brgy. Cuta, Batangas City ay lima namang katao. May mga dinampot pa na inosenteng by-passers para maparami ang nahuling suspek, pinakawalan naman ng mga pulis mula sa Camp General Miguel Malvar, Brgy. Kumintang Ilaya, Batangas City ang dalawang misyonerong mormons.

Nagsagawa din ng mga pagsalakay sa ibat-iba pang tupadahan dala marahil ng pagpuna ng mga netizen sa kawalan ng aksyon laban sa illigal cockfighting sa buong probinsya ng Batangas na ginagawa lamang palabigasan ng ilang korap at eskalawag na police official at bata-bata nito. Pero nagtataka po naman kami pagkat ang patupada dito sa Taysan, Batangas, napakatagal nang nag-ooperate ay di naman ginagalaw ng mga pulis. Kumpleto po ang estruktura ng tupadahan nina Bedung sa Brgy. Pinagbayanan, nakaka-limampung sultada kada araw at malakasan ang pustahan. May color games, sakla, beto-beto at cara-cruz din, magtanong po kayo ng kahit anong uri ng iligal na pasugal ay narito na sa tupadahang pinatatakbo araw-araw ni Ka Bedung. Palibhasa ay nakatimbre at malakas sa tanggapan ni Mayor Grande Gutierrez at malaki ding maglagay sa ilang mga kapulisan ng Taysan at sa opisina ng provincial commander ay hindi ito nari-raid kahit mahigpit ang kampanya laban sa mga iligal na pasabong. Ganito po ang batas sa Batangas, batas na pabor lamang sa mga makapangyarihan at masasalapi ngunit salat para sa mahihirap. ( Pls don’t publish my number. Kagawad)

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com

The post Panawagan laban sa kurakot! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Panawagan laban sa kurakot! Panawagan laban sa kurakot! Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.