WALA ng dagdag na pahirap para sa mga mahihirap na residente ng Maynila na kailangan pang maghanap ng perang gagastusin para sa cremation ng kanilang mahal sa buhay na namatay sa coronavirus disease dahil libre na ito sa Manila North Cemetery.
Ito ang siyang inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno para sa mga residente ng Maynila na may mga namatay na kaanak dahil sa COVID19.
Sinabi ng alkalde na kinakailangan lamang na iprisinta lang death certificate na magpapatunay na COVID-19 ang ikinamatay nito, valid ID ng miyembro ng pamilya o kamag-anak.
Ang libreng cremation program ay bahagi ng tulong ng lokal na pamahalaan para sa mga mahihirap na residente ng Maynila namatayan ng kaanak dahil sa COVID19.
Samantala, inihinto muna ng Lokal na pamahalaan ang mass vaccination kontra COVID19 dahil wala pang supply ng bakuna.
Nasa 64,723 ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan sa Maynila na nasa A1,A2 at A3 prioriry group. (ANDI GARCIA)
The post Cremation ng mga namatay sa COVID-19 sa Maynila, libre – Isko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: