MASYADONG malaki ang problema ng Pilipinas ngayon laban sa China dahil naninindigan ang huli na kanila ang maramng bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Sa kasalukuyan, napakarami pang barko ng China sa Julian Felipe Reef.
Noong Marso pa nakatambay ang mahigit 200 barko ng China sa Julian Felipe Reef.
Mayroong ginagawang hakbang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan laban sa ginawa ng China.
Ilan sa kanila ay ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND).
Ilang senador na rin ang bumatikos sa China dahil sa agresibong pagpasok at pag-angkin ng marmaing lugar sa bansa na hindi maipagkakailang bahagi ng Pilipinas.
Inaasahan din ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na kikilos upang ipagtanggol ang karagatan ng ating bansa laban sa mga dayuhang napakalayang nangingisda sa ating teritoryo.
Pinangangasiwaan ng Department of Agriculture (DA) ang BFAR.
Kaya, dapat ‘disiplinahin’ ni DA Secretary William Dar ang BFAR, partikular na ang BFAR – Region 1 dahil sa kabalbalang ginagawa nito sa mga maliliit na mangingisdang Filipino.
Marahil, hindi alam ni Dar na ang BFAR sa Region 1 ay kinokontak pa ang Philippine Navy (PN) at iba pang armadong sangay ng pamahalaan upang supilin, tugisin at parusahan ang mga maliliit na mga mangingisdang Filipino.
Pokaragat na ‘yan!
Nabalitaan kong ipinatutupad ng BFAR ang batas na nag-uutos sa mamamayang Filipino na protektahan at ipagtanggol ang napakalawak na karagatan ng Pilipinas.
Kaso, nakakabuwisit ang ginagawa ng ilang opisyal sa BFAR – Region 1 dahil ang layunin nito ay pagkakitaan ang mga mangingisda.
Pokaragat na ‘yan!
Hindi ko maintindihan kung anong klaseng tao ang ilang opisyal sa BFAR dahil hanggang ngayon ay hindi nila alam na napakasamang mabuhay, sa pamamagitan ng iligal na gawain.
Hindi maarok ng aking isipan kung bakit maligayang – maligaya silang kikilan ang mga mangingisda.
Ang nakaiinis pa nang todo, pati PN ay gagamitin ng ilang masasamang opisyal sa kanilang masamang gawain.
Pokaragat na ‘yan!
Ang dapat na ginagawa ng BFAR sa ngayon ay aktibong nakikipagtulungan sa DFA at DND upang manindigan laban sa China.
Dapat, kumilos at manindigan din ang pamunuan at kasapian ng PN laban sa agresibong aksyon ng China laban sa buong WPS, partikular sa Julian Felipe Reef sa kasalukuyang panahon.
Mga dayuhang mang-aangkin ng parte ng Pilipinas ang totoong kalaban at hindi ang mga mangingisdang Filipino, lalo na ang mga maliliit.
The post Masasamang nilalang sa BFAR — Region 1 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: