Facebook

Dapat pasalamatan at huwag batikusin mga community pantry organizer!

SA panahon ngayong pandemya na marami sa mamamayan ang nawalan ng trabaho o pangkabuhayan ay masuwerte at dapat pasalamatan ang iba’t ibang organisasyon o personalidad na namamahagi ng relief goods.

Kaso nga lang, may mga UTAK-AMPAW ang bumatikos lalo na sa resulta sa ginawa ni ANGEL LOCSIN na COMMUNITY PANTRY para sa kaniyang birthday celebration na dinagsa ng mga naghihirap na mamamayan at may isang matandang lalake pa ang namatay.

Kaya saludo ako sa ginawa ni QUEZON CITY MAYOR JOY BELMONTE na ipinagtanggol niya ang inilatag na COMMUNITY PANTRY sa MAGINHAWA st at inasistehan na lamang ang sitwasyon sa naturang lugar.., gayundin sa pagkilala’t pasasalamat nito sa naging inisyatiba ni ANGEL LOCSIN, na pambabatikos naman ang ginawa ng ilang sektor.

Bilang pagbibigay asiste mula sa tanggapan ni MAYOR BELMONTE ay nanawagan ito na ang lahat ng mga dumagsa sa lugar ni MS. LOCSIN ay magtungo sa QC EPIDEMIOLOGY AND DISEASE SURVEILLANCE UNIT (CESU) para sumalang ang mga ito sa FREE SWAB TESTING SERVICE kasunod ang pagpapasalamat nito sa pagkakawanggawa ng naturang ACTRESS PHILANTROPIST.

“Nananawagan ako kay Angel na makiisa sa hakbang ng lungsod na matugunan ang posibleng pagkalat ng Covid 19 sa pamamagitan ng maagang pagtukoy sa mga bagong kaso, lalo na sa hanay ng mga nagpunta sa community pantry na kanyang inorganisa,” pahayag ni MAYOR BELMONTE.

Inihayag naman ni CESU CHIEF DR. ROLANDO CRUZ na ang mga dumayo sa event ni MS. LOCSIN sa TITANIUM BLDG. BRGY HOLY SPIRIT na nakararanas ngayon ng mga sintomas na pag-ubo at lagnat ay kailangan umanong magpakonsulta.
“Hindi natin puwedeng isantabi ang posibilidad na nagkahawahan dahil sa dami ng dumalo. Mabuti nang makasiguro na hindi natin mahawahan ang ating pamilya at mga kasama sa komunidad,” pahayag ni DR. CRUZ.

Aniya, ang mga nagsidayo ay maaaring makipag-appointment online via http://bit.ly/QCfreetest o kaya ay maaaring tumawag sa QC Contact Tracing Hotlines: 8703-2759, 8703-4398, 0916-122-8628, 0908-639-8086, 0931-095-7737.

“Our office will remain open for support from Ms. Locsin and her camp, considering the effort and cost of doing testing and contact tracing of those who participated in the community pantry. We hope to be furnished with any pertinent information that could aid us in immediately identifying, testing and isolating suspected Covid 19 cases,” saad ni DR. CRUZ.

MEDIC VOLUNTEERS KAILABGAN NG PRC….

Ito ang panawagan ni PHILIPPINE RED CROSS (PRC) CHAIRMAN SEN. RICHARD GORDON na kinakailangan ngayon ng mga MEDIC VOLUNTEER upang makaasiste sa mga pagamutan.

Nitong mga nagdaang linggo, ang PRC ay nakapagpagawa ng 18 air conditioned tents sa LUNG CENTER OF THE PHILIPPINES..,, na 8 sa mga tent ay kayang makaokupa ng 100 pasyente.

“Padadagdagan pa natin ng additional tents kung kakailanganin. Pero kahit na magdagdag ka ng kama, kung kulang ang doctors at nurses, talagang under siege ang ating healthcare system,” pahayag ni GORDON.

“Ang gusto ko nga, magkaroon tayo ng medic volunteers. Kung mag-train tayo for one to two weeks ng mga minders, anuman ang background nila, we can test them para makatulong sila na mag-monitor ng mga pasyente habang sila ay naka-full personal protective equipment (PPE). Kahit mga 18 years old, pwedeng tumulong,” dagdag pa ni GORDON.

Aniya, ang PRC ay naglaan ng.mga staff quarters na may pantry para sa kalinisan ng pangangatawan sa lahat ng working areas.., na ang gobyerno naman ay maglaan ng suporta sa mga potential volunteer at unahin ang mga ito na mabakunahan para agad silang makasalang sa pag-asiste sa mga pasyente

“We’re going to win this fight if everybody helps out. Kaya dapat habang nagdadagdag tayo ng hospital beds ay nagre-reinforce tayo ng volunteers,” paggigiit ni GORDON.

The post Dapat pasalamatan at huwag batikusin mga community pantry organizer! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Dapat pasalamatan at huwag batikusin mga community pantry organizer! Dapat pasalamatan at huwag batikusin mga community pantry organizer! Reviewed by misfitgympal on Abril 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.