Facebook

EX-KONSEHAL PATAY, MISIS AT UTOL SUGATAN SA AMBUSH!

NASAWI ang dating konsehal ng Malapatan, Sarangani habang sugatan ang asawa at kapatid nito nang tambangan sa General Santos City.
Kinilala ang nasawi na si Montacier Singcoy, 41 anyos, dating konsehal ng Malapatan, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.
Nilalapatan naman sa pagamutan ang asawa nito na si Akiba Singcoy, 43, na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang hita; at ang nakababatang kapatid na si Aldrin, 18, na nagtama ng tama mg bala sa katawan.
Sa report, 9:00 ng gabi nang tambangan ang mga biktima ng 3 armadong lalaki sa Purok San Jose, Bgy Baluan, Malapatan.
Papauwi na ang mga bitkima sa Malapatan sakay sa isang pick truck na minamaneho ni Montacier.
Pagdaan ng sasakyan ng mga biktima sa nasabing lugar pinaputukan ito ng 3 lalaking nag-aabang sa kanila. Tinamaan si Montacier dahilan upang mawalang ito ng kontrol sa manibela at nabangga ang sasakyan sa isang bahay.
Nilapitan ng mga salarin ang sasakayan at pinagbabaril pa si Montacier na ikinasawi noon din. Agad tumakas ang mga sa-larin.
Dinala naman sa pagamutan ang asawa at kapatid upang malapatan ng lunas.
Nakarekober ang pulisya ng 16 basyo ng bala ng cal. 45 sa pinangyarihan ng ambush.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (Mark Obleada)

The post EX-KONSEHAL PATAY, MISIS AT UTOL SUGATAN SA AMBUSH! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
EX-KONSEHAL PATAY, MISIS AT UTOL SUGATAN SA AMBUSH! EX-KONSEHAL PATAY, MISIS AT UTOL SUGATAN SA AMBUSH! Reviewed by misfitgympal on Abril 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.