PARA mabigyan ng tulong ang mga biktima ng kalamidad nagsama-sama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para dalhin ang tulong sa mga biktima ng bagyong Auring sa Surigao Del Sur.
Ayon sa ulat na may kabuuang 2,554 na mga benepisyaryo sa bayan ng Hinatulan ang nabigyan ng ayuda mula sa mga tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go.
Nabatid na bukod sa food at financial assistance, nandoon din ang Department of Agriculture (DA) para bigyan naman ng mga libreng punla para sa pananim, mga bangka, at lambat para sa pangingisda.
Sinabi ni Senador Go na marami ang nawalan ng trabaho at nagsarang negosyo kung kaya’t dapat matulungan ang mga Pilipino.
Naniniwala ang senador na malalampasan din ito ng bansa kung magbabayanihan at magmamalasakit sa kapwa.
Ang pamamahagi ng ayuda ay ginawa sa Hinatuan Southern College, Brgy. Lacasa Covered Court at Brgy. Sto. Nino, kung saan kalakip ang pagkain, vitamins, food packs, masks, at face shields.
Mayroon ding nabigyan ng bisekleta, sapatos, at tablet para sa mga batang nag-aaral sa blended learning kasabay ng paalala na bigyang halaga ang edukasyon.
Naglaan din ng medical assistance ang senador kung saan maaaring libreng magpagamot sa Butuan Medical Center na mayroong naitayong Malasakit Center.
Nagbigay naman ng scholarship grant ang Technical Education Skills Development Authority (TESDA) sa mga batang nais mag-aral at livelihood training habang ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) ay mayroong programang pangkabuhayan na ipinamahagi sa mga biktima ng kalamidad.(Boy Celario)
The post Gobyerno at Sen. Go inayudahan ang biktima ng kalamidad appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: