Facebook

Puede na uli panggabing business sa NCR

SINABI nitong Miyerkoles ni MMDA Chairman Benhur Abalos Jr. na niluwagan na ang curfew sa Metro Manila para makapag-operate naman ang mga pangga-bing business establishments mula sa Mayo 1, Sabado.

Mula sa dating 8:00pm hanggang 5:00am ay pinaikli na ang curfew sa 10pm hanggang 4am.

Yes! Makapag-o-operate na rito kahit papaano ang mga pang-gabing business establishments tulad ng restoran, videoke at bars, ‘wag lang lumagpas sa 10pm ang operasyon. Siempre 50/50 lang muna ang kapasidad para may social distancing at importanteng naka-facemask ang mga kostumer at empleyado para maiwasang magkatalsikan ng laway. Hehehe…

Kailangan na talagang luwagan ang protocols kung hindi ay baka tuluyan nang magsara ang mga pang-ga-bing negosyo na “on” and “off” ang operasyon dahil sa mga ipinatutupad na lockdown tuwing taaas ang Covid cases since last year.

Dapat buksan narin ang NCR Bubbles para makabiyahe narin ng tawid isla ang mga negosyante at makauwi narin sa kani-kanilang bayan ang mga naipit sa NCR Plus (Laguna, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna).

Ilang daan bilyong piso ang nalugi sa Pilipinas sa higit 2 weeks na ECQ at 3 weeks MECQ, kungsaan napakarami ang nawalan ng income sa pagsara ng mga aandap-andap nang mga business establishments.

Mabuti nalang at may mga ginintuang puso na nagtayo ng community pantry at kahit papaano ay may napagkukunan ng makakain ang mga wala nang pambili ng maipapakain sa pamilya. Many thanks Patricia Non sa iyong inisyatibang “libreng palengke”. Napakarami ang na-inspire at naglagay din sa kani-kanilang mga lugar. Mabuhay!

***

Anyare sa mga bakunang inaasahang darating nga-yon buwan?

Matatapos na ang Abril ay hindi parin natin nakikita ang milyon-milyong doses ng mga bakuna na ilang beses nang inanunsyo ni Vaccine czar Carlito Galvez.

Sa 70 milyong target ng gobyerno na mabakunahan ay higit isang milyon palang ang naturukan. Hindi pa nga nababakunahan lahat ng healthcare workers. Kasi ubos na ang mga donasyon galing sa China na Sinovac at World Health Orgazanization na AztraZeneca na nasa 2 million doses.

Ang higit isang milyong doses ng bakuna na duma-ting na bili ng gobyerno ay paubos narin. Sabi ni Sec. Galvez darating ito ngayong Abril eh Mayo na sa Sabado, wala pa ang sinasabing bakuna. Tsk tsk tsk…

Minamadali natin si Sec. Galvez sa bakuna dahil higit isang taon na tayong under quarantine. Hindi tayo maka-kabalik sa normal na pamumuhay hangga’t hindi pa tayo natuturukan ng bakunang panlaban sa nakakatakot na virus mula China.

Trilyong piso na ang inutan ng gobyerno para pambili ng bakuna pero higit isang milyong doses palang ang dumating at hindi pa naituturok lahat. Anyare, mga bossing?

Ang mga karatig bansa ng Pilipinas sa Southeast Asia ay tapos na sa kanilang vaccination program. Balik na sa normal ang kanilang pamumuhay. Tayo nalang sa Pilipinas ang abnormal. Patunay ba ito na abnormal din ang namumuno? Hmmm…

Sana yung napakaraming pumipila ngayon sa communty pantry ay magboto na ng tuwid sa 2022. Dapat!

The post Puede na uli panggabing business sa NCR appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Puede na uli panggabing business sa NCR Puede na uli panggabing business sa NCR Reviewed by misfitgympal on Abril 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.