Facebook

Notorious na gun-for-hire timbog sa Maynila

NADAKIP na ng mga pulis ang isa sa mga suspek sa barilan at bugbugan sa Balut, Tondo, Maynila noong Pebrero.
Ang suspek ay 42-anyos at residente rin sa lugar.
Sa report, nagpapatrolya ang mga pulis 2:00 ng madaling araw nitong Miyerkoles habang ipinatutupad ang curfew nang masita nila ang lalaki kasama ang kaniyang asawa na naglalakad sa kalsada.
Agad sumuko ang lalaki at sinabing may bitbit siyang baril.
Nakumpiska ng awtoridad mula sa suspek ang isang 9mm pistol na may lamang mga bala at isang granada.
Miyembro ang suspek ng notorious na BCJ Gang at gun-for-hire tuwing may onsehan sa droga.
Ito rin ang nakikitang dahilan sa nangyaring barilan at bugbugan sa kanilang lugar noong Pebrero kungsaan nakunan ng CCTV ang suspek na nanunutok ng baril habang nakikipagbalyahan.
Isang sibilyan ang nadamay sa naturang insidente matapos tamaan ng ligaw na bala.
Nahaharap ang suspek sa kasong murder, possession of illegal firearms, ammunition at explosives.(Jocelyn Domenden)

The post Notorious na gun-for-hire timbog sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Notorious na gun-for-hire timbog sa Maynila Notorious na gun-for-hire timbog sa Maynila Reviewed by misfitgympal on Abril 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.