Facebook

Inday Sara, Yorme Isko nanguna sa latest Pulse Asia Survey!

SA pinakahuling Pulse Asia survey, nakakuha ng mataas na 27% na grado si Davao City Mayor Inday Sara Duterte kumpara sa antas ni VP Leni Robredo na nakakuha lamang ng 7%.

Kung ngayong araw o linggong ito gaganapin ang halalan, tiyak na malalaglag si Robredo kung si Sara nga ang makakatunggali nito sa pagka-Pangulo ng bansa.

Lalo na kung one on one ang labanan!

Tiyak na palalamunin ng alikabok ni Inday Sara ang bise presidente.

Pumangalawa sa Pulse Asia survey si former Senator Bongbong Marcos na kaalyado rin ng mga Duterte, na nakakuha ng 13 percent,sinundan nina Senator Grace Poe at Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha ng tig 12%, at Senator at boxing icon Manny Pacquiao na may 11%..

Sa bise presidente naman, si Manila Mayor Isko Moreno ang nag-topnotcher na nakakopo na 16%, sinundan nina Inday Sara Duterte at Manny Pacaquio na parehong may tig 16%, followed by Senate President Vicente Sotto III at former Senator Bongbong Marcos na may tig 11 percent, Senator Bong Go; 9%, former House Speaker Alan Peter Cayetano at Sorsogon Gov. Francis Escudero may tig 7% at tabla naman sina DPWH Secretary Mark Villar at Sen. Sonny Angara na may tig 3%.

Ito na ang magkasunod na resulta ng Pulse Asia surveys kung saan bumandera ng husto ang presidential daughter at Davao City Mayor na si Madam Inday.

Indikasyon na tanging si Madam Sara Duterte lamang ang pinagkakatiwalaan at inaasahan ng maraming Pilipino na magtutuloy sa liderato ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Makailang beses na ring sinabi ni Inday Sara na hindi niya pangarap na maging Pangulo ng Pilipinas at hindi man lamang sumagi sa kanyang isip ang presidency.

Pero ang pagiging Pangulo ay itinakda!

Destiny ika nga!

Ano mang pilit mo itong iwasan, gaya ng nakatadhana ay tiyak na mangyayari!

Sa personal na pananaw,naniniwala tayo na sa bandang huli ay magdedesisyon ang idol ng masang Pilipino na si Inday Sara na ituloy ang naumpisahang wagas at tunay na pagbabago ng kanyang mahal na amang si Tatay Digong.

Dugong Duterte ang nananalaytay sa ugat ng butihing alkalde ng Davao City.

Katulad ng kanyang ama, matapang, may malasakit at hindi matatawarang pagmamahal sa bawat Pilipino ang Ina ng Davao City.

Sa humble estimate ng inyong abang-lingkod, nasa 70-80 porsiyento ng mga botanteng Pinoy ang pabor para maging susunod na Presidente ng Pilipinas ang presidential daugther na si Sara Duterte.

Kaya nga walang humpay at kapagurang sinusuyod ng INDAY SARA DUTERTE AKO (ISDA) Support Group ang bawat sulok ng bansa sa pagtiyak ng boto para sa kanilang idolo at Messiah!

Ika nga, kapag tumakbo si Inday Sara, kahit sino ang kalaban, tiyak na panalo!

Tapos na ang boksing!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Inday Sara, Yorme Isko nanguna sa latest Pulse Asia Survey! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Inday Sara, Yorme Isko nanguna sa latest Pulse Asia Survey! Inday Sara, Yorme Isko nanguna sa latest Pulse Asia Survey! Reviewed by misfitgympal on Abril 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.