Facebook

Kapag bakunado, tiyak protektado!

NAKAKABAHALA na ang nangyayaring “ vaccine hoarding” o yaong pagtatago nito ng mga bansang gumagawa ng bakuna laban sa Covid-19 virus.

Ramdam ng Pilipinas ang mga pangyayaring ito na talagang makakaapekto ng malaki sa ating mga kababayang nangangailangan ng nasabing bakuna lalo na ‘yung mga medical frontliners na lubhang nangangailangan nito sa kanilang pang-araw-araw na pagharap sa mga pasyenteng mayroong corona virus.

Aminado si vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagkabahala ng gobyerno sa “hoarding” na nagaganap dahil sa limitadong supply ngayon sa buong mundo ng COVID-19 vaccines.

Inihayag ni Galvez sa kanyang pagharap sa online meeting ng United Nations Economic and Social Council (UN-ECOSOC), na maraming mga tao sa buong mundo ngayon ang tinatamaan ng nangyayaring vaccine hoarding.

Maging ang global response ay naapektuhan din aniya ng ganitong hakbang.

Iminungkahi si Galvez ang pagkakaroon ng international cooperation sa pagresolba sa ng krisis dala ng COVID-19 pandemic, partikular na sa pagtitiyak ng equitable distribution ng mga bakuna.

Mainam na palakasin ng international community ang kanilang global solidarities at collective commitment upang malutas ang multidimensional challenges.

Kahit si UN Secretary General Antonio Gutierres ay dismayado rin sa “uneven and unfair” distribution ng COVID-19 vaccines.

Kawawa ang mga mamamayan ng Third World countries kung saan dominado ito ng mga mahihirap na populasyon.

Kung mahirap o ikahos ang isang bansa gaya ng sa bandang Africa, malamang sa hindi, marami sa mga mamamayan nito ang puwedeng magka-Covid-19, worst ay tuluyang mamatay dahil sa kakulangan ng gamot at medical facilities sa kanilang bansa.

Malabo rin ang tsansa ng mga bansang ito na makakuha ng sapat na supply ng bakuna kung ganitong may hoarding na ngang nangyayari worldwide.

Suwerte pa nga ang Pilipinas dahil kahit paano ay may mga dumarating na donasyon ng bakuna mula Tsina, Estados Unidos, at Russia.

Donasyon po itong bakuna na bukod pa sa inangkat ng ating gobyerno mula rin sa mga bansang ito.

Sa ngayon ay unti-unti nang nakukumbinsi ng pamahalaan ang ating mga kababayan na magpabakuna bilang proteksyon upang di sila dapuan ng Covid-19.

Marami tayong kilala na nasa bracket ng 65 years old pataas ang nakapagpabakuna na.

Marami pa sa mga senior citizens natin ay nagkukumahog na ring magpalista at pumila para mag-avail ng vaccine.

Magandang senyales ito na may ‘awareness’ na tayong mga Pilipino sa kahalagahan ng pagpapabakuna.

Sa puntong ito, nais nating bigyang-papuri ang mga local executives natin na walang pag-aalinlangang nagpa-ineksyon ng bakuna upang maipakita sa kanilang mga constituents ang kahalagahan nito kumpara sa peligrong puwedeng idulot.

Doon sa mga taong alumpihit pa ring magpaturok ng bakuna, ‘wag na po n’yong antaying mahuli pa ang lahat.

Masuwerte tayo dahil may gobyerno tayong hindi tumitigil para tayo proteksyonan at kalingain laban sa salot na Covid-19.

Pati ang private sector at grupo ng mga negosyante at maging mga multi-national companies/corporations dito sa bansa ay may inisyatiba nang umangkat ng vaccine para sa kanilang mga tauhan.

Kudos and cheers sa mga ginoong ito na may malaking malasakit sa kanilang kapwa.

Congrats din sa ating mga local executives na hindi napapagod na paglingkuran at ayudahan ang kanilang mga kababayan ngayong panahon ng krisis.

Ika nga sa sloga ng ilang LGUs, “ Covid ka lang, mga Pilipino Kami”!

Let’s fight Covid-19 ang terminate it totally and permanently.

Kapag BAKUNADO, tiyak na PROTEKTADO!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Kapag bakunado, tiyak protektado! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kapag bakunado, tiyak protektado! Kapag bakunado, tiyak protektado! Reviewed by misfitgympal on Abril 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.