Facebook

Kapritso ng Tsina

ODIONGAN, ROMBLON — BATID ni Sonny Trilanes na hindi mabibigyan ng solusyon ni Rodrigo Duterte ang lumubhang sigalot ng Filipinas at Tsina. Ang susunod na gobyerno ang lulutas sa gusot sa pagitan ng dalawang bansa. Sa pakiwari ni Sonny Trillanes, hindi maaari na ipagpatuloy ng susunod na gobyerno ang foreign policy ng Filipinas sa Tsina. Batbat ito ng kahinawaan at walang ginawa si Duterte kundi sundin ang bawat naisin ng Tsina.

Ito ang tema ng pananalita ni Trillanes, isang dating sundalo at senador, sa 200 alumni ng Ateneo University sa isang forum. Tinalakay ni Trilanes ang kabiguan ng gobyernong Duterte na harapin at sugpuin ang pandemya at lutasin ang nakakairitang relasyon ng Tsina at Filipinas. Gumamit ng makabagong teknolohiya ang conference na tumagal ng tatlong oras kung saan nagkaroon ng pagpapahayag ng magkakaibang pananaw sa mga usapin.

“Masyadong sinunod ni Duterte ang kapritso ng Tsina. Sinunod niya ang policy of appeasement na pabor sa Tsina,” ani Trillanes habang iniisa-isa niya ang kawalan ng katarungan sa relasyon. Pinapasok ang mga manggagawang Tsino sa mga proyektong pinondohan ng Tsina, daang libo ang mga manggagawang POGO na nagkalat sa bansa, at ang balance of trade natin ay pabor na pabor sa Tsina, ani Trillanes. Tungkulin ng susunod na gobyerno na ayusin ang relasyon ng Filipinas at Tsina at ilagay sa tamang lugar ang relasyon, aniya.

Bagaman si Rodrigo Duterte ang pangulo ng bansa, hindi niya dominado ang gobyerno. Hindi lahat ng mga mataas na opisyales ng kanyang pamahalaan ay sang-ayon na suportahan ang sobrang pagkiling sa Tsina. Marami ang nasusuka sa kanyang mala-asong paninindigan sa Tsina. Hindi sila bilib kay Duterte kaya nanatiling nakadistansiya sila sa kanya. Hindi pa dumating ang takdang panahon upang maglabasan ang mga kontra sa Tsina.

May dalawang paksyon ang gobyerno ni Duterte. May paksyon na kamping-kampi sa Tsina. May paksyon na kontrang-kontra. Kasama ni Rodrigo Duterte sa pagkampi sa Tsina si Bong Go, ang matapat na alalay at utusan, Jose Calida, at Imee Marcos. Maaaring isama si Sal Panelo, Harry Roque at Martin Andanar bagaman hindi sila itinuturing na importante.

Sa kabilang panig sina Delfin Lorenzana, kalihim ng tanggulang bansa, at Teddy Locsin Jr., kalihim ng ugnayang panlabas. Dala ni Lorenzana at Locsin ang dalawang pinakamalaking sangay ng gobyerno – Department National Defense at Armed Forces of the Philippines at Department of Foreign Affairs. Malaking bahagi ng gobyerno ang kontra sa Tsinsa sapagkat hindi batay sa tradisyon sa kasaysayan ng bansa. Hindi sila lumalantad sapagkat hindi pa oras.

Alam ni Sonny Trillanes ang magagawa upang maayos ang sigalot sa pagitan ng Filipinas at Tsina. Sa ganang kanya, kailangan maibalik ang kakayahan maniktik (intelligence gathering capability) upang malaman ng Filipinas ang galaw ng Tsina. Usapin ng pambansang seguridad ang relasyon ng dalawang bansa kaya dapat malaman ang galaw ng Tsina. Hindi natin alam kung paano at saan mauuwi ang bangayan sa pagkamkam ng Tsina sa teritoryo ng Filipinas sa West Philippine Sea, aniya. Walang sapat na impormasyon tungkol sa Tsina, aniya.

Upang maibalik ang intelligence gathering capability ng Filipinas, dapat maibalik ang Visiting Forces Agreement (VFA) at gamitin ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), ang dalawang tratado sa pagitan ng Estados Unidos at Filipinas. Kasama sa dalawang kasunduan ang palitan ng impormasyon ng dalawang bansa tungkol sa galaw ng mga bansang hindi nila pinagkakatiwalaan. Naunang sinuspinde ng nag-aalburutong si Duterte ang (VFA) dahil kinansela ng Estados Unidos ang U.S. visa ni Bato dela Rosa at pagtuligsa ng mga Amerikanong mambabatas sa paglabag ni Duterte sa karapatang pantao.

Naibalik na ang U.S visa ni Bato kahit hindi bumibiyahe ang mambabatas sa Estados Unidos sa takot na dakpin siya doon at ipiit. Kamakailan, hindi na tumutol ang sumpunging si Duterte na palawigin ang VFA, ngunit humingi ng panibagong kondisyon – $16 bilyon. Pinagtawanan si Duterte. Magbibigay ang Estados Unidos kapalit ang VFA ngunit hindi malaking halaga. May biruan na hindi gagastos ng $100 miyon ang Estados Unidos upang itumba ang gobyerno niya. Kaya itutumba na lang ang gobyerno niya imbes na limusan siya.

Naniniwala si Sonny Trillanes na kailangan palakasin ang ugnayan ng Filipinas sa mga kalapit na bansa, lalo na ang mga kasaping bansa ng ASEAN. Ngayon, tanging Filipinas at Cambodia ang kampi sa Tsina habang ang walo ay pawang kontra sa Tsina. Binanggit ni Trilanes ang pagpapalakas ng relasyon ng Filipinas sa Estados Unidos, Japan. South Korea, Australia at European Union. Sila ang mga bansa na tumututol sa pamamayagpag ng Tsina.

Kinilala ang Tsina bilang bansa na sira ang reputasyon sa pandaigdigang kalakalan. Bukod sa pangamngamkam ng teritoryo, kilala ang China bilang bansang lumalabag sa mga batas sa copyright at patente, gumagawa ng mga huwad na kalakal, at magnanakaw ng mga sikretong pang-industriya. Hindi kilala ang Tsina bilang isang maayos na bansa na kumikilala sa pandaigdigang kaayusan. Marami itong nilalabag na batas.

May ibang mungkahi si Trillanes upang maiayos ang relasyon ng Filipinas at Tsina. Kailangan palakasin ang Sandatahang Lakas at bumili ng mga makabagong kagamitan. Hindi kailangan tugunan ang pagpapalakas ng Tsina. Kailangan ayusin ang Code of Conduct na mga bansang may inaangkin sa South China Sea. Kailangan magkaroon ng Code of Fisheries Agreement upang maiwansan ang pagbabangayan ng mga bansa sa South China Sea. Dapat sumama ang Filipinas sa mga bansang iginigiit ang kanilang karapatan maglakbay sa South China Sea.

***

MAY sanaysay ang kaibigan Roly Esclevia tungkol sa kontrobersyal na task force:

NTF-ELCAC: Legitimizing bribery on a large scale

What is NTF-ELCAC? It is the acronym of an ad hoc government agency, whose purpose is to legitimize bribery on a large scale. President Rodrigo Duterte, though this ill-defined adjunct of an already bloated bureaucracy, farms out P12.42 billion to his military and civilian cronies.

NTF-ELCAC is created supposedly to rid the countryside of Communist influence. In reality its aim is to keep the likes of Antonio Parlade and Lorraine Badoy happy by giving them the wherewithal to live like royalty, while the rest of us go hungry.

How do they justify their huge salaries and perks? From their cushy offices they issue statements branding all those who disagree with the government a bunch of Communist sympathizers.

***

MGA PILING SALITA: “Filing intermittent diplomatic protest against China’s incursions into our territory is our way to put Peking in the most awkward situation before the prying eye of the international community. These daily protests shame them.” – PL, netizen

QUOTE UNQUOTE: “When you are too hungry and too sick but still line up to get food, that speaks a lot about the kind of government we have.” – Mila Garcia Rivera, netizen, tungkol sa senior citizen na namatay sa pilahan sa community pantry ni Angel Locsin

***

Email:bootsfra@yahoo.com

The post Kapritso ng Tsina appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kapritso ng Tsina Kapritso ng Tsina Reviewed by misfitgympal on Abril 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.