Facebook

Kumurap na ang mga Intsik sa WPS

SAKTO sa ‘timing’ ang gagawn ni Pangulong Rodrigo Duterte na pakikipag-diplomasyahan sa Tsina hinggil sa matagal nang sigalot sa West Philippines Sea (WPS).

Dahil kumurap na ang mga Intsik sa pormahang nagaganap sa gitna ng malawak na parte ng karagatang pinagtatalunan. Bakit ka niyo? O paanong kumurap?

Eh di ba nga, pumorma na rin tayo bukod sa sinabi nila Defense Secretary Delfin Lorenzana at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin na dapat lumayas na ang mga barkong Tsina sa WPS.

Bukod sa pinaigting na pagpapatrolya ng ating Philippines Coast Guard na siyang unang nagtala ng daan-daang barko na ng China ang halos pumasok na sa ating EEZ (Exclusive Economic Zone). Ipinadala na rin natin sa area ang apat nating alas – ang mga bagong barkong pang-digma upang paramdaman din ang mga Intsik na alam natin ang kanilang mga ginagawa lalo na sa bahura nating kung tawagin ay Julian Felipe Reef na ipinangalan natin sa kumpositor ng ating pangbansang awit.

Kasama sa apat na makabago at barkong pang-digma ay ang dalawa nating “missile-guided” na barko, ang BRP Jose Rizal at BRP Antonio Luna. Hindi lamang yan, ang palagiang paglipad pa ng ating mga pang-giyera ring mga eroplano para bantayan ang mga kaganapan sa karagatan.

Ang mas matindi, dinagdagan pa yan ng prisensiya ng ating butihing kaibigan, ang isa rin sa “super power” sa mundo na si ‘Uncle Sam’ o ang U.S., na nagpadala lang naman ng kanilang ‘carrier’ ang USS Theodore Roosevelt na kapag naglayag, kahit dambuhala na, ay may mga naka-alalay pang ibang sasakyang dagat na pang-digma gaya ng submarine, at maliliit na barkong pang-giyera na nakapaligid dito.

Pag-sinabing carrier, ang barkong ito ay may dala-dala pang halos isang daang eroplano at halos limang libong sundalo. Lalong matindi, ang paglalayag din sa area ng USS Makin Island na “assault ship” naman ang tawag. Dangan kasi, kaya nitong magdala ng dalawampung “stealth-strike-fighter”‘na mga eroplanong pang-digmaan din.

Yan ang ikina-kurap ng mga Intsik. Kaya naman unti-unti nang nawawala ang mga sinasabing mahigit dalawang daang barko ng Tsina na namataan sa Julian Felipe Reef noon pang nakaraang buwan.

Ang i-style kasi ng Tsina magpapadala yan ng maraming malalaking barko, medyo semi-pangdigmaan lang, pero ang mga ito ay para lamang makapangisda at makatakot sa ibang sasakyang-dagat na nagingisda rin sa parteng iyon ng karagatan. Matapos makapanakot at maitaboy ang mga barko natin o ng iba pang kapitbahay natin sa Asia, maghuhukay na ang mga Intsik, sisirain ang mga corals at iba pang yamang dagat at kalaunan ay gagawa na ng mga tintawag na artificial island na kanila ring tatayuan ng mga istrakturang pang-digma at saka pamumugaran ng kanilang mga sundalo.

Pitong artificial island na nga ang kanilang nagawa at naging parang mga out-post na nila ito, na nilagyan na rin ng mga taga-tanod. Ang pinakamalaki ay ang nasa Panganiban o Mischief Reef, ang bahura natin na malapit sa Palawan. Meron na itong paliparan at taguan ng malalaking armas pang-digmaan.

Ang pagpapadala natin ng mga bagong biling barkong pag-digmaan sa karagatan ay nakita na ng China,mat naiparating natin na tayo ay handang pumorma at lumaban. Isa yan sa nagpa-kurap sa kanila.

Ang mga Intsik kasi ay rumerespeto sa mga ganitong postura, gaano man kaliit ang bansa nitong halos ina-agrabiyado na.

Sa tagal ba naman nang di natin pagkibo at pagporma, magdadalawang isip na talaga ang mga Intsik, dahil ngayon lang nangyari ito.
Ito ang magbibigay kay Pangulong Duterte ng tamang panahon at diskarte habang nakikipag-diplomasyahan sa mga opisyales ng China. At tiyak mareresolba yan ng ating Pangulo na sa bandang huli tayo pa ang panalo sa mga anumang kinakamkam ng mga Intsik na yamang-dagat sa lugar na yan ng ating karagatan.

The post Kumurap na ang mga Intsik sa WPS appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kumurap na ang mga Intsik sa WPS Kumurap na ang mga Intsik sa WPS Reviewed by misfitgympal on Abril 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.