Facebook

Lagay o suhol ang dahilan kaya di ipinagagamit ang Ivermectin vs Covid 19?

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa, kung ika’y may kakayahan na ito ay magawâ/ Kung mayroon ka ngayon ng kanyang kailangan, huwag nang sasabihing, `Bumalik ka’t bukas ibibigay’…” (Mga Kawikaan 3:27-28, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

LAGAY O SUHOL BA ANG DAHILAN KAYA IPINAGBABAWAL ANG PAGGAMIT NG IVERMECTIN BILANG GAMOT SA COVID 19? Ipinagbabawal ba ng mga government health officials at ng mga kaalyado nitong mga grupo ng duktor na bumubuo ng mga local medical societies ang paggamit ng Ivermectin bilang gamot kontra sa Covid 19 virus dahil sa malalaking suhol o lagay na tinatanggap nila mula sa malalaking kompanyang gumagawa ng mga gamot sa mundo?

Ito ang tanong ngayon ng mga tagasubaybay ng Kakampi Mo Ang Batas, matapos ilabas sa radio-online version ng kolum na ito ang akusasyon ng pagtanggap ng mga suhol o lagay na ito ng government health officials at ng mga duktor ng local medical societies sa isang online paper na ginawa ni Dr. Romy Quijano, isang retired professor ng UP College of Medicine sa Manila.

Ang online paper na sinulat ni Dr. Quijano ay pinamagatan niyang “LOSS OF COMMON SENSE IN COVID 19: THE STORY OF IVERMECTIN.” Ang paper ni Dr. Quijano ay hindi inilabas ng mga diyaryo, radyo, at telebisyon sa Pilipinas, ngunit inilabas ito ng funwiththe governmentblog.spot na pinamamahalaan ng isang Bienvenido Oplas Jr.

***

ANG KALUSUGAN AT KALIGTASAN NG TAO ANG PINAKAMATAAS NA BATAS SA MUNDO, AYON SA ISANG DUKTOR: Dito, niliwanag ng dating UP medicine professor na ang pagbabawal ng tinaguriang niyang mga government health officials at ng mga duktor ng mga local medical societies laban sa Ivermectin bilang gamot sa Covid 19 ay kanilang ginagawa bagamat hindi naman nila ibinubunyag na tumatanggap nga sila ng mga suhol o lagay mula sa mga kompanyang gumagawa ng mga gamot.

Sa mga nagmamasid sa medical profession, sinasabing hindi lingid ang pagbibigay ng mga insentibo o biyayang pinansiyal o sa ibang kaparaanan sa mga manggagamot upang ang mga gamot ng mga kompanyang gumagawa ng nasabing mga gamot ang isusulong ng mga duktor. Magkaganunman, wala pa namang inilalabas na kongkretong ebidensiya ang sinuman tungkol dito.

Ang pahayag na ito ni Dr. Quijano tungkol sa pagtanggap ng “substantial amount of largesse from Big Pharma…” ay itinuturing ng marami na isang matinding pagbubunyag ng posibleng dahilan kung bakit sa kabila ng napakarami ng mga pagpapatotoo ng pagiging mabisa ng Ivermectin kontra sa Covid 19, ayaw ng mga tinutukoy ni Dr. Quijano na “government health officials and local medical societies…” na ipagamit ang gamot na ito sa mga Pilipino.

***

DR. ROMY QUIJANO, RETIRED UP PROFESSOR, MAY MGA IBUBUNYAG PA SA KAKAMPI MO ANG BATAS TUNGKOL SA IVERMECTIN: Sa online paper ng retiradong up medicine professor, isa-isang pinabulaanan niya ang mga dahilan ng “government health officials and local medical societies” kontra sa Ivermectin, at ang mga punto niya ay naibalita na natin kahapon pa, dito sa kolum na ito. Magkaganunman, habang sinusulat ang kolum na ito, kung pahihintulutan ng diyos, makakasama Kakampi Mo Ang Batas radio-online version ng live ang mismong si Dr. Romy Quijano, sa palatuntunan, para sa kaniyang karagdagang mga pagpapaliwanag.

Ayon pa kay Dr. Quijano, idinadahilan ng “government health officials and local medical societies” ang diumano ay mga batas na umiiral sa kasalukuyan na nagbabawal sa paggamit ng Ivermectin, partikular dahil hindi pa diumano ito lubos na nasusuri ng mga dalubhasa. Ang sagot naman ni Dr. Quijano, mayroon ng mga clinical trials at kumpletong mga datos mula sa World Health Organization mismo na nagpapatunay na mabisa nga ang nasabing gamot kontra sa Covid 19.

Ganundin, dahil ang tunay na pinakamataaas na batas sa buong mundo sa ngayon ay ang pagtiyak ng kaligtasan at kalusugan ng tao laban sa mga sakit o mga pandemyang gaya ng Covid 19, maaari namang gamitin ng gobyerno ang nauna ng deklarasyon nito ng state of national emergency upang isantabi muna ang mga pagbabawal sa mga batas para pahintulutan ang malawakang paggamit ng Ivermectin.

Ganundin, itinatanong ni Dr. Quijano sa mga “government health officials and local medical societies”: bakit ba ayaw ng gobyerno na gamitin ang Ivermectin sa mga lugar kung saan wala pang remedyong nakakarating sa mga tao na nahawa at napipinto ng mamatay dahil sa covid 19? Kakatwa ito pero, hanggang ngayon, wala pang nangangahas sumagot kay Dr. Quijano mula sa mga government health authorities at mga duktor ng mga local medical societies na kumukontra sa Covid 19.

The post Lagay o suhol ang dahilan kaya di ipinagagamit ang Ivermectin vs Covid 19? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lagay o suhol ang dahilan kaya di ipinagagamit ang Ivermectin vs Covid 19? Lagay o suhol ang dahilan kaya di ipinagagamit ang Ivermectin vs Covid 19? Reviewed by misfitgympal on Abril 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.