Facebook

Master agent ng online sabong, 1 pa dinukot, na-videohan

PATULOY na umaasa ang pamilya na makakauwi ang kanilang anak na dinukot sa Meycauayan, Bulacan
Sa kuha ng CCTV, makikita sina Johnver Francisco, 31 anyos; at Frank Tabaranza, 27, na nakaparada ang kanilang sinasakyan sa gasolinahan.
Ilang sandali pa, inipit sila ng tatlong sasakyan at pinalibutan ng mga armadong lalaki at sapilitang isinampa sa sasakyan.
Ayon kay Jocelyn Dela Cruz, nanay ni Johnver, malakas kumita sa online sabong ang anak bilang master agent kaya posible na konektado sa trabaho ang pagdukot.
Sa ngayon, umapela sila kay Philippine National Police (PNP) Chief, General Debold Sinas, na bigyang-pansin ang kaso ng kanyang anak na 10 araw nang dinukot.
Inilapit na nila ito sa Meycauayan PNP at nag-ikot na sila sa mga station ng pulis sa Bulacan, Pampanga, Metro Manila, Cavite at Laguna para makahingi ng tulong na matagpuan ang anak.

The post Master agent ng online sabong, 1 pa dinukot, na-videohan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Master agent ng online sabong, 1 pa dinukot, na-videohan Master agent ng online sabong, 1 pa dinukot, na-videohan Reviewed by misfitgympal on Abril 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.