Facebook

Pekeng ‘Flying Squad’ ng LTO dinakip ng LTFRB enforcers

ASAKOTE ng mga taga-Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang anim na lalaking nagpapanggap na miyembro ng flying squad ng Land Transportation Office (LTO) sa Tarlac.
Ang mga suspek ay sinita dahil sa kaduda-dudang suot na uniporme at nagiging sanhi ng trapik ang ginagawang panghuhuli.
Sinabi ng hepe ng Victoria, Tarlac Police Station na napadaan ang grupo ng mga taga-LTFRB sa La Paz-Victoria Road at naaktuhan nila na nanghuhuli ng mga motorista ang mga pekeng nagpakilalang taga-LTO.
“Nadaanan po nila (LTFRB) itong grupo po na nagpapangagap na ‘Flying Squad’ ng LTO dito sa kahabaan ng La Paz-Victoria Road na kung saan kahina-hinala yung kanilang suot na uniporme at ID, nag-create na ng traffic,” ayon kay Police Major Randy Gomez, hepe ng Victoria Police Station, kungsaan dinala ng mga taga-LTFRB ang mga suspek.
Hinanapan ng mga taga-LTFRB ng mga kaukulang dokumento ang mga nagpakilalang taga-LTO tulad ng mission order.
Pero wala naipakita ang mga suspek kaya lalong nagduda ang mga taga-LTFRB kaya dinala ang mga lalaki sa himpilan ng pulisya.
Ayon pa kay Gomez, may tatlong driver ng truck ang nagtungo sa kanilang himpilan at itinuro ang grupo ng pekeng taga-LTO na hiningan sila ng pera.
Wala pang tugon ang LTO-Region 3 nang hingan ng komento tungkol sa mga suspek, pero kinumpirma nito sa pulisya na hindi nila tauhan ang naaresto, na nahaharap sa kaukulang mga kaso.

The post Pekeng ‘Flying Squad’ ng LTO dinakip ng LTFRB enforcers appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pekeng ‘Flying Squad’ ng LTO dinakip ng LTFRB enforcers Pekeng ‘Flying Squad’ ng LTO dinakip ng LTFRB enforcers Reviewed by misfitgympal on Abril 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.