Facebook

Masuwerte si ERAP

THE  young man knows the rules, but the old man knows the exceptions. — American physician-poet Oliver Wendell Holmes Sr.

PASAKALYE: Marami talaga ang matitigas ang ulo sa ating mga Pinoy. Kahit alam nilang kumakalat pa ang Covid-19 at dumarami ang kaso ng mga tinatamaan nito ay hindi pa rin sumusunod ang karamihan—partikular na ang kababaihan–sa mga minimum health safety protocol, tulad ng pagsuot ng face mask at face shield at gayun din ang social distancing.

Kung tutuusin, hindi ang mga bagong variant ng coronavirus ang sanhi ng mabilis na pagtaas ng bilang ng mga impeksyon at transmisyon kundi ang pagiging pabaya ng ating mga kababayan kaya patuloy ang pagdami ng mga kaso ng Covid-19.

Kung ako ang pamahalaan, aalisin ko na lang ang pagpapatupad ng mga health protocol para libre nang makakagala ang mga tao nang hindi na nakasuot ng face mask at face shield at puwede na rin silang magdikit-dikit kahit may banta ng Covid. Kumbaga, para sa gustong walang mga protocol ay hindi na nila kailangan pang sumunod sa mga pagbabawal habang yaong ayaw magkasakit ay patuloy na lang silang mag-iingat at susunod sa mga payo ng mga health expert.

Dangan nga lang ay hindi na puwedeng sisihin ang gobyerno kung magkakasakit ang sinumang hindi magsusuot face mask o face shield at susunod sa physical distancing.

Sa ganitong paraan ang magiging ‘rule’ ay “matira ang matuiba.”

* * *

DINAPUAN na rin ang dating pangulo at nahatulang mandarambong na si JOSEPH ‘Erap’ EJERCITO ESTRADA ng Covid-19 at naka-recover and damuho mula sa nakamamatay na sakit.

Sa kabilang dako, naunang dapuan ng Covid-19 si dating Manila mayor ALFREDO SIOJO LIM at sa kasawiang-palad ay ginupo ng naturang sakit ang ating magating na heneral kahit pa alam ng karamihang nasa malusog na kalagayan at pangangatawan ang dating alkaldeat senador.

Marahil ay nagpapakita lamang ang pagkamatay ni Mayor Lim at pag-recover naman ni Erap na may punto ang paniniwala ng inyong lingkod na sadyang mapanganib ang Covid-19 sa mga indibiduwal na may magandang kalusugan. Sa aking teorya kasi, dahil sa ang tinuturong dahilan ng pagkamatay ng isang taong may Covid-19 ay ang pag-atake ng sobrang daming mga anti-body para puksain ang virus na nagreresulta sa ‘cytokine storm’, tanging malulusog na pasyente ang posibleng makaranas ng cytokine storm at ito ang dahilan ng kanilang pagpanaw mula sa Covid-19.

Masuwerte si Erap dahil may mga sakit siya kaya siguro hindi nagawang lusubin ng sobra-sobrang mga anti-body ang coronavirus at hindi siya nakaranas ng ‘cytokine storm’.

Sayang . . .

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

The post Masuwerte si ERAP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Masuwerte si ERAP Masuwerte si ERAP Reviewed by misfitgympal on Abril 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.