HUWAG muna natin pag-usapan kung makakasapat ang nagdadatingan ng bakuna. Mas maganda ata na pag-usapan kung sino ang mga dapat maunang bakunahan.
Kasi, umingay ang bangayan ng mga mayor at ang umano’y “show cause order” na inilabas ng Department of Interiror and Local Goverment (DILG) sa mga punong bayan na napabalitang nagsipa-bakuna kahit dapat na mauna ang ating mga healthcare workers na iniatas World Health Organization (WHO) upang makalaban ang mga frontliners sa virus na nakamamatay na COVID-19.
Para sa akn, wala namang masama o problema sa mga mayor na nagpabakuna kasabay o kasunod ng mga healthcare workers, dahil sila rin ay mga frontliners.
Ang ating mga punong lungsod ay humaharap din sa panganib na mahawaan ng virus sa kanilang pagharap sa tungkulin, lalo na yung mga “hands on” ika nga sa aghahandle ng problema sa virus. Di ba nga marami ng mga mayor na napaulat na nagpositive na sa COVID-19, ang kahulihan pa nga ay si Quezon City Mayor Joy Belmonte na makalawa nang nahawaan ng virus.
Siguro ay tama lang na ilagay din ang mga pangalan ng mga mayor sa priority list, upang gaya ng iba pang frontliners sila ay maprotektahan sa pagkakahawa o pagkakaroon ng COVID-19.
Isa pa, ang mga mayor ay idolo ng kanilang mga nasasakupan o kaya talagang sinusunod ng mga residente sa kanilang mga lugar. Nangangahulugan, na ang mga may agam-agam na magpa-bakuna ay maiibsan ang pagaalinlangan kung nakita o nabalitaan na nila na ang kanilang mayor mismo ay nabakunahan na at wala namang nangyari di maganda sa kanilang kalusugan.
Bilang idolo ng mga residente ng kada lungsod, ang mga mayor ang tumatayong modelo sa programang ito sa pagbabakuna ng ating pamahalaan. Dapat lang na sila ay mabakunahan din.
Kaligtasan at pang-iwas sa hawaan ang dala ng bakuna para labanan ang COVID-19, tama lang na maunang bakunahan ang mga taong humaharap sa panganib bunga ng kanilang tungkulin at kabilang diyan ang mga punong lungsod.
Isang tabi natin ang pag-uunahan, mahalaga kung sino ang unang dapat mabakunahan yun ang ating bigyan upang mapagtagumpayan ang pandemiyang ito. Tiyak naman lahat ay mababakunahan, kasi nga ay sinisikap ng Administrasyong Duterte na maka-angat ng sapat na bilang ng bakuna para sa nakararaming Filipino.
The post Problema sa bakuna kailangan agad maresolba appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: