May porsiyento nga ba ang OWWA sa mga hotels na ginagamit nilang quarantine facilities for returning OFWs?
NGAYONG pandemya,samut saring reklamo ng anomalya ang natatanggap natin patungkol sa hindi transparent na hakbang ng mga ahensiya ng gobyerno patungkol sa paggastos ng pondo na may kaugnayan sa pagtulong sa ating mga kababayan.
Sa tanggapan na lamang ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) na si Director General Hanz Cacdac ang namumuno, maraming isyu ang di nasasagot ng maayos sa kung paano nila ginugugol ang milyong milyong pondo ng ahensiya para sana sa kalinawan ng ating mga kababayang nagbabayad ng buwis.
Ang unang isyu ay patungkol sa mga kontra ng OWWA sa mga pribadong hotels na ginagawang quarantine facilities ng ahensiya ni Cacdac.
May transparency ba ito at open document para sa scrutiny ng publiko o sinong grupo na interesadong tingnan ito?
Milyones kasi ang ibinabayad ng OWWA sa mga hotels na ito at marapat lamang na mabatid ng mamamayan.
Pangalawa,may kaakibat bang komisyon ang sino mang taga-OWWA sa negosasyong ito?
Marami kasing returning OFWs natin na magkakapamilya ang nagtataka sa polisiyang pinaiiral ng OWWA patungkol sa mga pamilyang dumarating ng bansa.
Halimbawa,isang mag-asawa ang uuwi ng Pilipinas,wala silang anak,awtomatikong i-quarantine sila pagdating ng bansa.Ang siste,bakit kailangan pang paghiwalayin pa ng kuwarto ang mag-asawa alinsunod sa patakaran ng OWWA.
Di ba doble gastos ito sa gobyerno samantalang malinaw sa hawak ng dokumento na hawak ng mag- asawa na iisa lamang ang kanilang tahanan sa bansang pinagmulan?
Ganoon din sa nga pamilyang uuwi ng bansa na may kasamang mga anak.Paghihiwalayin din ang mag-asawa ng kuwarto o silid sa quarantibe facility ng OWWA at yung mga anak,dalawa,tatlo man ito kung ilang ay sa isa sa mag- asawa isasama ng kuwarto.
Di natin maintindihan ang logic sa patakarang ito.Ang malinaw lang sa atin,doble bayad ang OWWA sa sistemang ito,hindi po ba mga kabayan ko?
Kung ang daily rate na binabayad ng OWWA ni Cacdac sa mga hotel cum quarantine facility ay 3K na lang,i-times 2 mo na lang na 6k araw- araw,times 7 days,aruy tumatagingting na forty two thousand per family.
Wow talaga,less commission ng sinusuwerteng taga- OWWA hehehe.
Ang punto po natin dito,bakit pa kailangan paghiwalayin ng silid ang isang mag- asawa o pamilyang dumarating? Sa isang tahanan naman sila galing at nanunuluyan bago umuwi ng Pilipinas.Mabuti sana kung isa sa miyembro ng pamilya ay nagtest positive ng Covid-19.
Eh kung clear naman ang mag-asawa o ang buong pamilya,bakit kailangan pang paghiwalayin ng kuwarto.
Isa lamang po yan sa sankaterbang isyu na dapat tugunan ng tanggapan ni Ginoong Cacdac.
Marami pa tayong ibabatong isyu sa mga susunod po nating pagtalakay.
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post May porsiyento nga ba ang OWWA sa mga hotels na ginagamit nilang quarantine facilities for returning OFWs? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: