Facebook

‘Di kaya ng TF Covid ang pagdisiplina sa mamamayan

Hindi talaga kaya ng TF Covid , DoH, at PNP ang pagdisiplina sa mga tao. Sakay ng pampublikong sasakyan punuan at dikit dikit lagi. Sana lumalala pa ng husto ang covid sa Metro Manila at karatig probinsya para matauhan ang mga ahensya ng gobyerno. – Concern citizen

Pahiya ang DSWD sa community pantries
Pinapahiya ang DSWD sa ginagawa ng mga kababayan natin sa pagtulong sa kapwa gaya ng Maginhawa community pantry at iba pa na ginaya sila sa ibang lugar. Ito po ang welfare na tinatawag…Mabuhay kayong mga Maginhawa pantry and all. – Juan dela Cruz

Bgy Kagawad sa Pasay City protektor
ng droga at mga iligal na sugal
Gud pm po. Nais ko po iparating sa DILG ng PASAY, ay kay MAYORA ang ginagawa ng isang opisyal ng barangay ng 172 -17 na nangungunsinte o protektor ng sugal at ng drugs. Siguro nagkakaroon kaya pinakawalan iyong isang tulak. Sana, sa tao na ito, dapat ipakulong din o kaya tanggalin sa tungkulin para mawalan ng protektor ang drugs at sugal dito sa Bgy 172. – Concern citizen lang po

PSA ang dapat mamahagi ng ayuda
Tuwing me paayuda ang gobyerno hindi nawawala ang problema. Mabuti pa kasi pag me ayuda PSA (Philippine Statistics Administration) ang mamahala. Dahil sila ang nakakaalam ng statistic. Nasa kanila talaga ang tamang talaan o listahan at address ng mga tao….kasi kapag ibang ahensya ang humawak para sa ayuda nagkakaproblema at me kutsabahan, daming kurap. – Concerned citizen

The post ‘Di kaya ng TF Covid ang pagdisiplina sa mamamayan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Di kaya ng TF Covid ang pagdisiplina sa mamamayan ‘Di kaya ng TF Covid ang pagdisiplina sa mamamayan Reviewed by misfitgympal on Abril 20, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.