Facebook

Media kasama na sa priority list ng babakunahan

IKANALULUGOD natin ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) na ituring ang sektor ng media bilang mga frontliners para maisama sa priority list ng pamahalaan na mabakunahan laban sa virus na COVID-19.

Mismong si Presidential Spokesperson Harry Roque ang naghayag ng desisyon ng IATF-MEID noong nakaraang linggo, nang maglabas ito ng pinal na listahan ng grupo ng tao na kabilang sa Priority Group A4 ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan na kabilang na ang hanay ng media.

Patunay ito ng hangarin ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na laging suportahan at protektahan ang malayang pamamahayag sa bansa at ang lahat ng kasapi ng sektor na ito.

Kaya naman pinasasalamatan din natin, bilang namumuno sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang mga nagbigay ng kanilang todo-suporta upang maisali ang media sa priority group, gaya nila Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., Testing Czar Secretary Vince Dizon at siyempre pa si Senador Bong Go at ang ating boss na si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Pinangunahan ni Secretary Andanar kasama ang inyong lingkod ang pagsusulong na maisama ang media sa priority list sa pamamagitan ng pakikipagugnayan kay Secretary Galvez at sa IATF, katuwang ng panawagan ni Senator Bong Go na dapat maisama ang media sa mga unang mabakunahan dahil sa ginagampanan nitong papel sa lipunan na maghatid ng balita ay kahalintulad na rin ng mga ginagawa ng iba pang mga frontliners.

Gaya ng mga health workers na nagsusumikap maisalba ang mga buhay ng ating mga kababayan, ang media sa bansa ay naririyan din sa pagbibigay ng mga kaganapan at mga buwis-buhay na impormasyon hinggil sa pandemya at maging mga dapat na pag-iingat na gagawin para maiwasan ang hawaan ng virus.

Katuwang tayo ng IATF at ng iba pang sangay ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng mga impormasyon ukol sa COVID-19, at araw-araw din tayong sumusuong sa panganib, makapagbigay lamang ng mga tamang balita at impormasyon.

Itinataya ng lahat ng kasapi ng media, kabilang ang mga cameraman, driver at crew, ang kanilang ring buhay at maging ng kanilang pamilya sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin o trabaho. Nararapat lamang din silang armahan ng panlaban sa kalaban nating di nakikita – ang nakamamatay na virus ng COVID-19.

Sa pagtatalaga ng priority list, inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang grupo o sektor na A4 ay kinabibilangan ng mga ‘frontline personnel’ na laging nakakasalamuha o nakikipag-interaksiyon sa publiko Ang sektor o grupo ng A4 ay kasunod na mababakunahan matapos ang mga health workers (A1), senior citzens (A2) at mga person with comorbidities (A3).

Noong nakaraang taon (2020) sa isang ulat, sinabi ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na ang mga mamamahayag ay mga “frontliners” din, na lumalaban sa mga maling balita na kumakalat tungkol sa COVID-19 at inatasan nito ang lahat ng pamahalaan na garantiyahan ang seguridad ng mga media dahil sa kanilang mahalagang papel na ginagampanan sa lipunan.

Mabuhay ang malayang pamamahayag sa Pilipinas! Mabuhay ang lahat ng kasapi ng media sa bansa! Humayo tayo at magpa-bakuna na, upang magampanan nating maigi ang ating mahalagang papel sa ating lipunan.

The post Media kasama na sa priority list ng babakunahan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Media kasama na sa priority list ng babakunahan Media kasama na sa priority list ng babakunahan Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.