Facebook

Saludohan mga organizer ng community pantry

OO! Saludohan natin ang mga origanizer ng community pantry lalo ang mga ordinaryong magsasaka at mangingisda na nagawa nilang ibigay ng libre ang kanilang mga pinaghirapan, makatulong lang sa mga nagugutom sa mahigit isang taon nang community quarantine dulot ng pandemya sa coronavirus disease 2019 (Covid 19).

At pakiusap natin sa gobyerno, sa taga-Nationak Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), tigilan na muna ang pangha-harass o pangre-red tag sa mga “aktibistang” nag-oorganisa ng community pantry tulad ni Patricia Non.

Ipagpalagay natin na aktibista itong si Non, lumalabas sa kalye at nagbabatikos sa inakala nilang maling polisiya o maling programa ng gobyerno, ito’y bahagi ng kanyang karapatan at pinapayagan ng ating Saligang Batas sa bansang demokrasya.

Ipagpalagay naman natin na isang komunista itong si Non, wala akong nakikitang masama sa kanyang ginagawang pagmamagandang-loob, pagtulong sa mga kababayan nating nahihirapan ngayong may pandemya.

Kung nagsisigaw, nagwawagayway ng bandera ng komunista at armas si Non, iyon ang mali. Doon nila arestuhin at kasuhan si Non. Pero kung namamahagi lang ito ng mga pamatid-gutom ng ating mga kababayan, aba’y siya’y dapat suportahan at saludohan. Mismo!

Bakit hindi nalang gawin ng taga-NTF-ELCAC ang maglagay ng community pantry sa mga lugar na pinamumugaran ng NPA, upang makuha ang loob ng mahihirap na mamamayan sa lugar at talikuran na ng mga ito ang pagre-rebelde.

Hindi iyong gigipitin nila ang mga tao na gusto lamang makatulong sa nagugutom nating mga kababayan bunga narin ng kapabayaan at kapalpakan ng pamahalaan.

Say n’yo, NTF-ELCAC Spox Lt. General Antonio Parlade Jr. at Presidential Security Adviser Hermogenes Esperon, mga Sir!

***

Ano kaya ang pakiramdam ngayon ni Agriculture Secretrary William Dar sa mga nakikita niyang pagtayo ng community pantry ng mga maliliit na magsasaka na dapat ay siya ang gumagawa?

Oo… trending ngayon sa social media ang community pantry ng mga magsasaka sa mga probinsiya. Ang kanilang mga produktong gulay, prutas, pati bigas ay ipinamamahagi nila ng libre sa kanilang mga ka-barangay. Ang galing! Klap klap klap…

Ganun din ang ginagawa ng mga mangingisda. Naglagay din ang mga ito ng community pantry sa kanilang lugar. Kaya halos wala nang paninda sa mga palengke o talipapa ngayon dahil wala naring namimili. Hehehe…

Sa pagsulputan ng community pantry, tila nawalan na ng saysay ang DSWD. Mismo!

At dahil sa community pantries, natighaw ang gutom ng mga nawalan ng trabaho at kita sa higit isang taon nang under quarantine ng Pilipinas.

Mabuhay ang mamamayang Pilipino. Nabuhay ang diwa ng bayanihan, napukaw ng kapalpakan ng pamahalaan.

Kaya sa 2022, ibasura ang mga palpak na mga opisyal. Dapat!

***

Tama sina Senador Joel Villanueva at Win Gachalian. Sayang lang ang P19 bilyong pondo ng NTF-ELCAC na nalulustay lang sa mga walang kuwentang bagay.

Ibuhos nalang sa ayuda ang pondo ng NTF-ELCAC!!!

The post Saludohan mga organizer ng community pantry appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Saludohan mga organizer ng community pantry Saludohan mga organizer ng community pantry Reviewed by misfitgympal on Abril 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.