PERMIS sa pagpapakitang “MALASAKIT KUNO” sa kapakanang pangkalusugan ng mamamayan laban sa COVID-19.., pero kinaligtaan ang responsibilidad sa naisagawang programa ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) noong taong 2016 na DENGUE VACCINATIONS sa mga batang mag-aaral na marami sa mga ito ang namimiligro sa kamatayang adverse effect ng DENGVAXIA at nitong nagdaang araw lamang ay dalawa sa mga napagbabakunahan noon ang dumanas na naman ng malatortyur na kamatayan.
Ang panibagong tala ng DENGVAXIA DEATHS na inawtopsiya ng PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) FORENSIC na pinamumunuan ni FORENSIC EXPERT DR. ERWIN ERFE nitong April 1 at 3 ay ang mga teenager na sina ANGELA CERA, 14 ng LAS PIÑAS CITY at TYRONE TISBE, 14 ng QUEZON CITY.
Ang pamilya ng mga nasawi sa matinding ADVERSE EFFECT ng DENGVAXIA ay huminge ng asiste sa PAO sa pamamagitan ng VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION (VACC) upang madiskubre ang naging sanhi sa kamatayan ng mga biktima na naitala bilang 162 at 163 sa kabuuang sumailalim sa awtopsiya ng PAO FORENSIC. Resulta ay naihayag ni DR. ERFE na ang ikinasawi ng mga ito ay katulad sa lahat ng mga naawtopsiya ng kanilang ahensiya. Ang mga ito ay nagtamo ng matinding internal bleedings sa utak, baga at multiple organ enlargement.
Magugunita na ang gobyerno sa pamamagitan ng DOH na pinamunuan noon ni dating HEALTH SECRETARY at ngayo’y ILO-ILO CONGRESSWOMAN JANETTE GARIN ay bumili ng DENGVAXIA na nagkakahalaga ng P3.5 bilyon para magamit pambakuna sa 1 milyong estudyante sa mga pampublikong paaralan sa mga lugar na may matataas na kaso ng DENGUE noong taong 2015.
Taong 2016 buwan ng Abril ay pinasimulan ang MASS VACCINATION gamit ang DENGVAXIA na hinde lamang mga bata kundi marami ring mga pulis ang isinailalim sa DENGVAXIA VACCINATION noon.
Noong 2017, ang SANOFI PASTEUR INC na siyang DENGVAXIA MANUFACTURER ay naglabas ng kanilang OFFICIAL STATEMENT sa kanilang website.., na ang naturang bakuna ay delikado kapag itinurok sa mga hinde pa nagkaka-dengue. Kaso, mahigit sa 800,000 na mga bata kabilang ang mayoryang hinde pa naman nagkasakit ng dengue ay binakunahan na.
Pero huli na ang statement ng SANOFI dahil marami na ang nangamatay na dumanas ng mala-tortyur na paghihirap o adverse effect.., pero huli na nga ba ang statement? Oobra ba na ang gamot ay basta ipagagamit na walang PRECAUTIONS? Papayag ba ang FOOD AND DRUG ADMINISTRATION (FDA) o ang DOH na gagamit sila ng gamot o bakuna na hinde nila inalam kung ano ang epekto at negative effect? Siyempre bago gamitin ang gamot ay alam na ng FDA at DOH kung ano ang aasahang magiging resulta sa paggamit ng gamot.., pero bakit ipinagamit pa ang DENGVAXIA sa mga hinde pa nagka-dengue? Yan ngayon ay nasa pagdinig ng korte dahil marami na ang mga nasampahan ng kaso para madiskubre kung sino ang mga “SALARIN” sa pagpapatupad ng MASS DENGVAXIA VACCINATIONS.., gayong alam naman nila na hinde puwedeng bakunahan ng DENGVAXIA ang mga hinde pa nagka-dengue.
Kaya naman, sa COVID-19 VACCINATIONS ngayon ay tama lamang ang pahayag kamakailan ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na hinde maaaring rumekta ang LOCAL GOVERNMENT UNITS (LGUs) na makipag-transact sa mga manufacturer dahil sa ipaiiral na TRIPARTITE AGREEMENT. Kung magkakaroon ng advetse effect ay kakarguhin ng gobyerno ang mga tatamaan ng adverse effect sa bisa ng INDEMNIFICATION ACT…, oo nga naman, kung rerekta ang LGU sa manufacturer at magkaroon ng adverse effect sa kanilang matuturukang mga constituent e hinde pupuwedeng karguhin ng NATIONAL GOVERNMENT.
Teka.., may mga naturukan na ng COVID VACCINES na dumanas ng adverse effect at naospital, pero hinde naman inasistehan ng sinasabing INDEMNIFICATION ACT.., kundi ang pamilya pa rin ng mga pasyente ang halos nagkautang-utang ng pera para lamang makapagbayad at mabili ang mga pinabibili ng mga doktor.
Ito ang mga bagay na hinde naisasakatuparan ng GOVERNMENT OFFICIALS .., ang tunay na.malasakit sa mga maaapektuhan ng adverse effect tulad ng mga sumailalim sa DENGVAXIA VACCINATION na dapat ay inaalam o minomonitor ang mga kalagayan dahil may listahan naman ng mga binakunahan at may mga alam ako sa ngayon na dumadanas na ng ADVERSE EFFECT ang ilang mga mag-aaral na naturukan noon ng DENGVAXIA.
Dapat ay maging WAGAS ang gawing malasakit ng GOVERNMENT OFFICIALS sa pangunguna ng DOH na matiyak ang safety ng mga nabakunahan ng DENGVAXIA noon at sa mga mababakunahan ngayon ng ANTI-COVID.., na kung mararatay ang mga ito sa pagamutan ay walang dapat gagastusin ang kanilang pamilya kundi ang GOVERNMENT ang dapat sumagot sa lahat ng gastusin… dahil ito ay isinulong ng NATIONAL GOVERNMENT sa pagpayag na maging EXPERIMENTAL SUBJECT ang mga tao para sa isinasagawa ng mga MANUFACTURER ngayon sa buong mundo na HUMAN VACCINATION TRIALS patungkol sa mga naimbento nilang bakuna.., kung safe ba o peligro para sa mga tao!
WISH ng ARYA… wala nawang mapahamak dahil sa isinasagawa ngayong HUMAN VACCINATION TRIALS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Mga kinaligtaang dapat pinagtutuunan ng gobyerno! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: