Facebook

Nakakabahala na

ANG pandemiyang dala ng COVID-19 ay tila di naman napipigilan ang pagigirian ng mga bansa at ang tumitinding panganib sa seguridad, partikular na sa bahagi ng South China Sea.

Kanya-kanyang armahan sa dagat Pasipiko, pormahan ng mga sasakyang pangdagat na pangdigmaan. Ngunit para saan? Para ba sa kooperasyon ng lahat ng bansang pumoporma sa karagatan? Para ba ito sa sama-samang interes na bantayan ang yamang-dagat sa bahaging ito ng dagat Pasipiko? O para talagang magbantay laban sa mga pirata, terorismo at pananakop?

Hindi natin dapat isawalang-bahala o balewalain ito, bilang isang bansang kasama sa mga nagmamay-ari ng bahagi ng karagatang ito. Ito rin marahil ang pakay ng malalaking bansang nagpapadala ng kani-kanilang sasakyang pangdagat na pang-digmaan, dahil naririto ang ruta ng pinakamalaking kalakalan. Lahat ng pangangailangan ng mga bansa ay dumadaan dito.

Napapaloob ang bahagi ng karagatang ito sa gitan ng mga bansang Tsina, Vietnam, Taiwan, Malaysia at ating inang bayan na Pilipinas.

Wala tayong problemang pangkalakalan kung ang mga produktong pag-uusapan ay gawa ng ating mga kapit-bahay na mga bansang yan. Ngunit ibang usapan na, kung ang mga produktong ay manggagaling na sa America, Europa at maging sa Middle East. Yan din ang pinoproblema ng mga bansang yan, sakaling ang pomahan sa karagatan ay umabot sa hangganan ng antas ng panganib.

Sa mga lumalabas na hangarin ng bansang Tsina, nais nitong makopo ang kalakalan at masentro ito sa kanilang mga produkto. Bukod sa sarili nilang diskarte na ariin ang buong parte ng bahagi ng karagatang nabanggit ko.

Di ba nga naglabas pa ito ng kanilang bagong batas para sa kanilang Coast Guard na pinapayagang sitahin ang lahat ng sasakyang dagat na magagawi sa kanilang teritoryo. Sa malalaking bansang malayo sa Asia, medyo di magandang postura ito ng Tsina. Mababalam ang daloy din ng kalakalan kung sisitahin ng China Coast Guard ang mga barkng banyaga. Nakasa-alang-alang ang kalakalan sa rutang yan.

Parang sinasabi ng mga Intsik na kanila talaga ang kinakamkam na bahagi ng karagatan na sila rin ang may gawa ng sukat at mapa. At parang sinasabi na kung kakailanganing gumamit ng dahas ay di sila mapipigilan.

Nakakabahala na, ang mga ganyang postura. Kailangang pag-usapan na ng lahat yan. Magkapaliwanagan at magkaintindihan agad nang hndi mauwi sa gulo ang lahat.

Lalo na sa ating mga Filipino. Naipanalo na natin sa Interntional Court ang ating kasarinlan sa pag-aari ng ilang bahagi ng karagatan na yan, pati mga islang napapaloob dito. At sinasang-ayunan ang desisyon na yan ng mga kaalyado nating malalaking bansa.

Kapag ito ay di mapag-usapan ng maganda, pihadong lahat ay mababahala nga.

The post Nakakabahala na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nakakabahala na Nakakabahala na Reviewed by misfitgympal on Abril 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.