Facebook

MMA fighter, 4 pa huli sa drug den sa Laguna

San Pedro, Laguna – Kulong ang isang Mix Martial Arts fighter nang masakote sa raid sa isang drug den ng mga operatiba ng PDEA Laguna Provincial Office nitong Huwebes ng madaling araw sa Our Lady of Grace St., Rosario Complex dito sa bayan.
Kinilala ang MMA fighter na si Jose Carlo Castillo, 27 anyos. Kasama niyang nada-kip sina Ceejay Huzky Cinco, 19; Chino Dela Rama, 25; Janet Mikeila Lopez, 34; at Christopher John Arceno, 23, mga residente rito sa bayan.
Sa report na ipinadala ni PDEA Region 4A Regional Director Jigger Montallana kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, nadakip ang mga suspek matapos makabili ng iligal na droga ang isang PDEA agent sa bahay ni Castillo.
Nasamsam sa posisyon ng mga suspek ang 150 grams ng “kush” o high grade na marijuana na nagkakahalaga ng P216,000.00, drug paraphernalias at 2 cellular phones
Nakakulong ngayon sa PDEA Laguna detention cell ang mga suspek.
(Jose Koi Laura)

The post MMA fighter, 4 pa huli sa drug den sa Laguna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MMA fighter, 4 pa huli sa drug den sa Laguna MMA fighter, 4 pa huli sa drug den sa Laguna Reviewed by misfitgympal on Abril 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.