IKINABAHALA ng ilang kongresista ang paglipana ng mga gamot na ibinebenta bilang COVID-19 medicines.
Pinag-iingat ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang publiko sa mga produkto na sinasabing gamot sa COVID-19 matapos na mapuna ang pagkalat ng sellers sa online platforms na nagbebenta ng gamot na hindi naman pala aprubado para sa COVID-19 treatment.
Babala ng kongresista sa publiko na iwasan at mag-ingat laban sa ganitong sellers na walang maipakitang business registration at permits para magtinda ng regulated products tulad ng gamot.
Kasabay nito ay nagbabala rin si Deputy Speaker at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian laban sa abusadong online sellers na nagsasamantala sa pandemya at inilalako ang Ivermectin na gamot para sa pasyenteng may COVID-19. Binigyang diin ni Gatchalian na nilinaw na ng Food and Drug Administration (FDA) na ang Ivermectin na rehistrado at aprubado sa bansa ay isang anti-parasitic drug na para lamang sa hayop at posibleng maging panganib sa taong gagamit nito.
Bunsod nito ay umapela ang mga kongresista sa e-commerce platforms na higpitan ang kanilang sistema at merchants laban sa mga ganitong pananamantala.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Samantala, laging subaybayan ang palatuntunang “walang personalan trabaho lang” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. Tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band at 10:00am-11:00am sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!
The post Naglipanang gamot sa COVID-19, ikinabahala ng ilang kongresista appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: