Facebook

Para sa dalawa nating kabaro

BIGYAN daan ko muna natin para sa pitak na ito ang dalawa nating kabaro sa pamamayag na pinaslang, na ang kaso sa ngayon ay hawak na ng ating pinamumunuang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Una, ipinararating natin at ng PTFoMS ang ating pakikiramay sa pamilya ng komedyante at disc jockey na si Rizalino Torralba ng DYRD 102.3 Kiss FM radio, na mas kilalang “Inday Ruping” sa kanyang maaagang pagpanaw nang matagpuan ang kanyang bangkay sa loob ng isang kwarto ng Backpacker’s Inn, na may tama ng bala sa kanyang dibdib, kamakailan lamang sa Tagbilaran City, Bohol.

Sa inisyal na imbestigasyon na ipinasa ni Col. Mary Crystal Peralta ng Tagbilaran City Police Station sa PTFoMS, hinihinalang binaril si Torralba na miyembro rin ng LGBTQ community, ng kanyang personal na driver na kinilalang si Andrew Allanic Fronteras at isang basyo ng kalibre 45 na bala ang natagpuan sa tabi ng bangkay ng biktima nang ito ay matagpuan.

Personal man ang motibo sa kasong ito, hindi pababayaan ng PTFoMS na mapunta sa wala ang imbestigasyon dito at basta na lamang makawala ang salarin dahil katuwang ng ating Task Force ang ating kapulisan sa pagbibgay proteksiyon at suporta sa sinumang mamamahayag gaya ni Torralba.

Ang PTFoMS ay likha ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong pang magsimula ito sa pannungkulan ng taon 2019, upang pangalagaan ang kalayaan ng pamamahayag, maging buhay ng mga mamamahayag at proteksiyon ng lahat ng nabibilang sa propesyong ito, na kauna-unahan at natatanging kautusan sa buong mundo, para lamang sa kalagayan ng media.

Ito din ang nagbunga ng pagsasampa ng murder charges laban sa tatlong suspek sa pagpaslang sa personal kong kakilala na Pangasinan reporter at broadcaster na si Virgilio S. Maganes na pinatay noong November 10, 2020.

Sa pagtutok ng PTFoMS sa kaso sa pagpatay kay Maganes, nagawaran ng pagsasampa ng murder laban sa mga suspek na sina Noe Ducay alias “Owing”, Romar Bustillos at isang di pa nakikilallang suspek. Ang resolusyon ay inilabas ni Senior Assistant Prosecutor Charlotte M. Duron-Cabida ng Pangasinan Provincial Prosecutor’s Office na inaprubahan naman ni Abraham L. Ramos, Chief Provincial Prosecutor.

Si Bustillos ang napatunayan ng prosekusyon na ‘point man’ na siyang nagturo kay Maganes upang pagbabarilin nila Ducay at ng kanyang kasama, habang papauwi ito sa kanyang tahanan nang mangyari ang insidente. Matapos ang isang buwan ng paghahanap, nadakip ng Villasis Police ang dalawang suspek at naharap sa kasong pagpatay.

Ito ay patunay na ang inyong PTFoMS ay di titigil hangga’t di nakukuha ang hustisya para sa mga kabaro nating napapaslang.

Sino man broadcaster o mamamahayag na nakakaranas ng pananakot at at nakararamdam ng panganib sa kanilang buhay, ang PTFoMS ay isang tawag lang ang kailangan upang magbigay ng proteksiyon, at maiwasan natin ang mga ganitong pangyayari.

Hindi natin titigilan tapusin ang paghahari-harian ng iilan na marami ng pinaslang sa ating hanay. Ang inter-agency na bumubuo ng PTFoMS ang ating kasagutan sa problemang yan at magiging kaagapay upang maproteksiyunan ang lahat ng kasapi sa larangan ng pamamahayag.

The post Para sa dalawa nating kabaro appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Para sa dalawa nating kabaro Para sa dalawa nating kabaro Reviewed by misfitgympal on Abril 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.