BINIGYAN-DIIN ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magsasagawa sila ng profiling sa mga Filipino sa India dahil sa COVID-19 surge sa naturang bansa.
Ayon kay Department Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na ipinag-utos nito sa kanyang mga tauhan bilang bahagi ng posibleng susundin na contingency measures sa harap nang pagtaas ng COVID-19 cases sa India kamakailan.
Batay sa datos mula sa embahada ng Pilipinas sa New Delhi nasa 30 Pilipino ang nadagdag sa nauna nang 20 na nagpositibo sa COVID-19.
Naunang sinabi ni Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing Jr. na dalawang Pilipino na ang namatay sa COVID-19 sa naturang Southeast Asian nation.
Dahil sa surge na ito nagdesisyon ang Pilipinas na pansamantalang isara ang mga borders ng bansa sa mga biyahero mula India kasunod na rin ng lockdown na ipinatupad ng kanilang gobyerno.
Sa ngayon, papalo na sa 18,754,984 ang confirmed cases sa India, kung saan 208,313 dito ang binawian ng buhay at 15,373,765 naman ang recoveries, base sa latest tally ng Worldmeters. (Josephine Patricio)
The post Profiling ng mga Pinoy sa India isasagawa ng DFA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: