Facebook

Sitwasyon sa West Philippine Sea, delikado na!

KINUMPIRMA ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na asahan na ang pagdating pa ng mga barkong pandigma ng Amerika sa West Philippine Sea o South China Sea.

Ang pahayag na ito ni Romualdez sa isang panayam ay kasunod ng pagpasok ng US Navy’s Theodore Roosevelt Carrier Strike Group (TRCSG) sa rehiyon noong April 4 para sa routine operations.

Nilinaw ni Romualdez, ang mga naturang US vessel ay idineploy sa disputed areas para i- uphold ang freedom of navigation.

Dagdag pa ni Romualdez, tuloy-tuloy ang freedom of navigation operations ng Amerika dahil layon nito na protektahan ang seaway sa rehiyon.

Ibig sabihin, anumang klase ng barko ay makakadaan sa lugar na hindi hina-harass.

Ayon sa US Navy, ito na ang ikalawang pagkakataon na pumasok sa South China Sea ang TRCSG matapos na i-deploy ito sa 7th Fleet area of operations.

Habang nasa South China Sea, ang US Navy Theodore Roosevelt Carrier Strike Group, Makin Island Amphibious Ready Group at ang Ticonderoga-class guided-missile cruiser USS Port Royal (CG 73) ay magsasagawa ng fixed and rotary-wing flight operations, maritime strike exercises, anti-submarine operations, at coordinated tactical training.

So kung ganito na ang sitwasyon sa pinagtatalunang area,di malayong anytime ay sumiklab ang digmaan.

Dumating sa South China Sea ang US ships sa gitna ng presensiya ng nasa mahigit 200 Chinese vessels na nakakalat sa Exclusive Economic Zone(EEZ) ng bansa nito lamang Abril 9.

Sa senaryong ito,maari ring maging battle ground ang area ng isang malagim na bakbakan na posibleng umabot sa AOR ng mga maliliit na bansang malapit dito gaya ng Pilipinas.

Kapag nagkataon,’wag naman po sana,ito na ang umpisa ng kinakatakutang World War III na puwedeng gumunaw sa sanglibutan.

Nasa propesiya ang mga kaganapang ito na matagal na nating pinangangambahan.

Naway magkaroon ng payapang solusyon sa problemang ito diyan sa West Philippine Sea.

Di natin kayang arukin ang posibleng maging pinsala ng WW3 sa sangkatauhan at sa mundo.

Parting shot:

Belated happy 50th Golden Wedding anniversary to Tatay Emil Ramos & Nanay Vicky Ramos of Bulacan last April 11,2021.
More happy years together to both of you and congratulations.

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Sitwasyon sa West Philippine Sea, delikado na! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sitwasyon sa West Philippine Sea, delikado na! Sitwasyon sa West Philippine Sea, delikado na! Reviewed by misfitgympal on Abril 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.