BAHAGI na ng kanyang pangako na asistehan ang displaced at essential workers dulot ng COVID-19 pandemic, tinulungan ng opisina ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association sa General Luna, Quezon province dahil sa kanilang patuloy na pagtataya rin ng buhay para makapagserbisyo sa kanilang komunidad.
Pinangunahan ng mga tauhan ni Go ang pamamahagi ng iba’t ibang ayuda sa tinatayang 508 TODA members sa bagong Bulwagang May Puso covered court.
Namigay sila ng mga makakain, vitamin supplements, masks at face shields pero nasusunod ang health and safety protocols.
May ilang nakatanggap ng bagong sapatos, bisikleta at computer tablets.
Bukod sa grupo ni Go, nagbigay rin ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development sa mga benepisyaryo ng financial assistance.
“Sobrang hirap ng buhay ngayon. Mahirap lumabas, mahirap maghanapbuhay. Ganon pa man, nagpapasalamat kami sa tulong na ibinigay ni Senator Bong Go. Napakalaking tulong nito dito sa aming bayan. Maraming, maraming salamat po, Senador!” sabi ni Serafin Garcia, 43, tricycle driver.
Sa kanyang video message, hinimok ni Go ang mga nahihirapang magbayad ng hospital at medical expenses na humingi ng tulong sa Malasakit Center sa Quezon Medical Center sa Lucena City.
“Kung mayro’n po kayong mga pasyente na kailangan ng tulong o dalhin sa Maynila, magsabi lang kayo. Tutulungan namin kayo pati sa pamasahe. Handa kaming tumulong ni Pangulong [Rodrigo] Duterte sa inyo sa abot ng aming makakaya,” ayon kay Go.
“Magtiwala po tayo sa gobyerno. Ginagawa ng gobyerno ang lahat para tulungan kayo malampasan ang mga pagsubok na ‘to. Magsabi lang kayo at tutulungan namin kayo ni Pangulong Duterte sa abot ng aming makakaya. Hindi namin sasayangin ang pagkakataon na magserbisyo sa inyo,” anang pa ng senador. (PFT Team)
The post Transportation workers sa Quezon Province, inayudahan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: