Facebook

Tuloy-tuloy ang vaccination program

WALANG tigil ang vaccination program ng gobyerno.

Mahalaga ang pagbabakuna bunsod ng tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Kung maaalala, inuna ang libu-libong health workers na nasa frontline sa laban kontra coronavirus.

Ngayon naman, kung hindi ako nagkakamali, binabakunahan na rin ang mga mahal nating lolo at lola sa mga lungsod at bayan.

May ilan nga lang na tumanggi dahil ayaw daw nila ang brand ng bakuna na ibibigay sa kanila.

Mas madali naman ang proseso ngayon at mas episyente raw.

Sa mga susunod na araw, mas marami pa ang mapapakunahan lalo’t inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Priority Group A4 ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.

Nangunguna sa listahan ang mga commuter transport (land, air, at sea), kasama ang logistics; public at private wet at dry market vendors; frontline workers sa groceries, supermarkets, delivery services; mga manggagawa sa paggawa ng pagkain, inumin medical at pharmaceutical products; at frontline workers sa food retail.

Kahanay nila ang food service delivery; frontline workers sa private at government financial services; at frontline workers sa hotels at accommodation establishments kung saan kasama rin ang mga pari, rabbis, imams, at iba pang religious leaders; security guards/ personnel na nakatalaga sa tanggapan, ahensya, at organisasyon na identified sa listahan ng priority industries/sectors; at frontline workers sa private at government news media.

Kaya umaasa ang inyong lingkod na mabibigyan na rin kami ng bakuna sa mga susunod na araw o linggo.

Sinasabing naka-iskedyul ito para sa deployment sa loob ng dalawang buwan.

Nasa Priority Group A4 din ang customer-facing personnel ng telecoms, cable at internet service providers; electricity distribution at water distribution utilities; frontline personnel sa basic education at higher education institutions at agencies; at overseas Filipino workers.

Tiyak ding hindi maiiwan ang mga frontline workers sa law/justice, security, at social protection sectors; frontline government workers na engaged sa mga operations ng government transport system, quarantine inspection; worker safety inspection at iba pang COVID-19 response activities.

Dahil babakunahan na sila, magiging kampante na rin para sa kanilang pamilya ang mga frontline government workers na in-charge sa tax collection, assessment ng businesses para sa incentives, election, national ID, data collection personnel; diplomatic community at Department of Foreign Affairs (DFA) personnel sa consular operations; at Department of Public Works and Highways personnel na in-charge sa pagmo-monitor ng government infrastructure projects.

Laging ipinapaalala ng Department of Health (DOH) na kung may ibang nararamdaman o sintomas pagkatapos magpabakuna ay i-report agad sa LGU o vaccination site hotline.

Kasama raw sa mga karaniwang side effects ng bakuna ay ang pananakit, pamumula, pangangati, o pamamaga sa lugar kung saan ibinigay ang ineksyon, hindi maayos ang pangkalahatang pakiramdam, nakakaramdam ng pagod (fatigue), lagnat o panginginig, sakit ng ulo, at pananakit sa kasukasuan o kalamnan (joint pain o muscle ache).

Ilang beses na rin namang ipinaliwanag ng mga dalubhasa na ang mga nasabi ay pawang senyales lamang ng nagsisimulang immune response ng katawan bunsod ng bakuna.

Siyempre, karaniwang mawawala ang mga sintomas sa loob ng isa hanggang tatlong araw.

Huwag matakot dahil mahalaga ang pagpapabakuna.

Sama-sama po tayong lahat sa #BIDABakunation!

***

HAPPY READING pala sa Officer-In-Charge (OIC) ng BACOOR TRAFFIC MANAGEMENT DEPARTMENT (BTMD) na si SIR ROMMEL PEÑANO at sa mga mababait at masisipag na TRAFFICE OFFICERS na sina SIRS EDGAR DOMINGO at JAIME CESAR SO.

Binabati rin ng inyong lingkod si CHAIRMAN ALLEN AMPAYA ng BRGY. POBLACION, MUNTINLUPA CITY at ang lahat ng mga opisyal at frontliners ng barangay, kabilang na si DEPUTY CHIEF TANOD POL BERNABE, at siyempre ang mga masisipag ding miyembro ng BRGY. POLICE na nangangasiwa at nangangalaga sa katahimikan at kaayusan ng kanilang Areas of Responsibility (AOR) ngayong panahon ng pandemya.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

***

PARA naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!

The post Tuloy-tuloy ang vaccination program appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tuloy-tuloy ang vaccination program Tuloy-tuloy ang vaccination program Reviewed by misfitgympal on Abril 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.