Facebook

‘10K ayuda’ program ni Cayetano umabot na sa higit 1,000 ang benepisyaryo

ANG ‘Sampung Libong Pag-asa’ program na inisyatibo ni dating Speaker Alan Peter Cayetano ay umabot na sa higit 1,000 nitong Biyernes dahil 550 benepisyaryo mula sa lalawigan ng Bulacan at sa buong bansa ang tumanggap ng P10,000 cash assistance.

Ang 500 benepisyaryo ay nagmula sa lahat ng limang distrito ng Bulacan, habang 50 naman ang napili mula sa comments section ng opisyal na Facebook page ni Cayetano.

Naging viral naman ang live feed na nakaabot sa higit 270,000 katao at nakalikom ng 345,000 comments — isang indikasyon na malakas na ang suporta ng taumbayan sa 10K Ayuda initiative ng dating Speaker at kanyang mga kaalyado.

Nang tanungin sa programa kung bakit inumpisahan ni Cayetano ang inisyatibo, ang sabi niya: “Ngayong pandemic, sa pag-iikot namin, extraordinary ‘yung paghihirap ng tao. So, we were really thinking paano makakatulong.”

“So, nung sinubukan lang namin, namili lang tayo ng ilan at nagulat kami – hindi lang ‘yung hirap na hirap, pati ‘yung mga middle class, hirap narin,” dagdag niya.

Ilan sa mga napiling benepisyaryo sina Lorna Javierto at Rosa De Jesus na parehong nagmula sa Bulacan.

Si Javierto ay isang may-ari ng sari-sari store at may 6 anak. Ayon sa kanya, ginamit niya ang nasabing ayuda bilang pandagdag kapital para sa kanyang sari-sari store, pambili ng pagkain at iba pang pangangailangan, at pambayad ng kuryente.

Mula sa P200 ay naging P500 ang kanyang kita araw-araw. “Sobrang saya talaga, kasi ‘yung sampung libo na ‘yan, malaking tulong talaga ‘yan sa panahon ngayon na sobrang hirap,” sabi niya.

Si De Jesus naman ay isang ice candy, prutas, at merienda vendor na nagmula sa Paombong, Bulacan. Noong 2013 ay nagkaroon siya ng lupus at magmula noon ay kinakailangan na niyang dumaan sa mga mamahaling laboratory test habang pinapag-aral ang anak.

“Tuwang tuwa talagang napakalaking bagay na ‘yun. Hindi nahuhulugan ‘yung inuutang na pera na ‘yun.”

Ginamit ni De Jesus ang ayuda bilang pambili ng freezer para sa kanyang ice candy business, at ngayon ay kumikita ng P2,000 kada linggo (mula sa P500).

Noong Mayo 26, nasa 177 benepisyaryo ang nakatanggap ng advanced payout mula kay Bulacan 1st District Rep. Jose Antonio “Kuya” Sy-Alvarado at Bulacan Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado.

Sa programa nitong Biyernes, sinamahan si Cayetano nina Taguig 2nd District Rep. Ma. Laarni “Lani” Cayetano, Bulacan 1st District Rep. Alvarado, Bulacan Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado, Bulacan 3rd District Rep. Lorna Silverio, Bocaue Vice Mayor Alvin Cotaco at Bocaue Municipal Council, Marilao Mayor Ricardo Silvestre, San Jose del Monte City Rep. Florida Robes, at San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes.

Ang Sampung Libong Pag-asa program ay nagsimula Mayo 1, kungsaan nasa 200 beneficiaries mula sa buong bansa ang tumanggap ng kanilang P10,000 tulong mula sa grupo ni Cayetano sa Kongreso, at iba pang donor.

Ang pangalawang hanay ng mga benepisyaryo ay nakatanggap noong Biyernes, Mayo 21, sa Laguna.

Ang programang Sampung Libong Pag-asa ay hango sa panukalang 10K Ayuda Bill ni Cayetano sa Kongreso na naglalayong mabigyan ang bawat pamilyang Pilipino ng P10,000 tulong na maaari nilang magamit upang makabili ng pagkain, magbayad para sa tubig at kuryente, o magsimula ng isang maliit na negosyo.

Ang panukalang Bayanihan 3 ay naaprubahan sa ikalawang pagbasa ngayong linggo, subalit ang probisyon sa pamamahagi ng P10,000 cash assistance ay hindi kasama sa panukalang batas.

The post ‘10K ayuda’ program ni Cayetano umabot na sa higit 1,000 ang benepisyaryo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘10K ayuda’ program ni Cayetano umabot na sa higit 1,000 ang benepisyaryo ‘10K ayuda’ program ni Cayetano umabot na sa higit 1,000 ang benepisyaryo Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.