Facebook

P7.7m shabu nasabat sa Cebu at Bohol

TIMBOG ang tatlong high-value target sa buy-bust operations ng Philippine National Police (PNP) at PDEA sa Cebu City at probinsiya ng Bohol nitong Sabado.

Kinilala ni PNP Chief, General Guillermo Eleazar, ang mga nahuli na sina Vencent Mayol Suplac alias Dodong, 27 anyos; Giovanni Montecalvo Ambray alias Gio, 25; at isang construction worker.

Nasamsam sa tatlo ang nasa 1,025 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,970,000.00.
Sa buy-bust operation na ikinasa ng Regional Police Drug Enforcement Unit, Maribojoc Municipal Police Station kasama ang PDEA, arestado ang 23- anyos na si Arnel Tubaon Rivera. Nakuha sa kanya ang 110 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P748,000.00. (Mark Obleada)

The post P7.7m shabu nasabat sa Cebu at Bohol appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P7.7m shabu nasabat sa Cebu at Bohol P7.7m shabu nasabat sa Cebu at Bohol Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.