Facebook

Sundalo sugatan sa ambush sa Mati City

SUGATAN ang isang sundalo nang tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army nitong umaga ng Linggo sa Mati City, Davao Oriental.

Ayon sa ulat, patungo sa bayan ng Banaybanay ang grupo ng mga sundalo lulan ng military truck nang tambangan ng nasa 5 rebelde.

Nagkaroon ng higit 30 minutong engkuwentro nang gumanti ng mga putok ang mga sundalo.

Rumesponde ang iba pang sundalo at pulis pero nakatakas ang mga rebelde.

Isinugod sa provincial hospital ang sundalo hindi pa pinangalanan, na nasa maayos nang kalagayan.

The post Sundalo sugatan sa ambush sa Mati City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sundalo sugatan sa ambush sa Mati City Sundalo sugatan sa ambush sa Mati City Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.