Facebook

‘Magagaya ang CPP-NPA sa sinapit ng mga Nazis’-Palasyo

“Di nila matatakasan ang hustisya.”

Ito ang inaasahang mangyayari ni Presidential spokesperson Harry Roque patungkol sa mga kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na matutulad aniya sa sinapit ng mga will German Nazis, na inilitis at naparusahan dahil sa kanilang mga krimen na nagawa noong World War II.

Naihayag ito ni Roque matapos mailabas ang mahigit sa 1,500 krimen at mga paglabag sa mga International Humanitarian Law (IHL) ng CPP-NPA-NDF, na ngayon kilala na bilang communist terrorist group (CTG).

“I’m sure po na gaya ng mga Nazis na maraming nagtago, ‘yung iba uugod-ugod na e nahuli pa rin sila and 50 years later pinanagot pa rin sila. Kampante po ako na hindi po makakawala sa kanilang mga krimen ang mga CPP-NPA,” pahayag ni Roque.

Kasunod ang pahayag ni Roque sa pag-aanunsiyo ng Commission on Human Rights (CHR) na iimbestigahan nito ang listahan ng mga paglabag sa IHL na isinumite ng Armed Forces of the Philippines-Center for the Law on Armed Conflict (AFP-CLOAC) sa ilalim ng pamumuno ni BGen. Jose Alejandro Nacnac.

“Ang liability po nila (CTG) ay dahil sa paglabag sa (IHL),” pagdidiin ni Roque na ipinaliwanag pa ang mga lokal lider ng komunistang-teroristang samahan ay Hindi matatakasan ang kanilang pamamagitan sa mga krimen nilang nagawa sa pakikipaglaban sa pamahalaan, gaya bang nangyari sa mga Nazi na pinapanagot sa Holocaust.

Noong nakalipas na linggo isinumite ni Nacnac kay CHR Commissioner Karen Dumpit ang listahan ng mga krimen kabilang ng daan-daang pagpatay ng CTG sa loob ng nakalipas na sampung taon. Kabilang dito ang 532 inside the ng paninira ng mga pribadong ari-arian, pagpatay sa 77 trips ng pamahalaan, 296 sibilyan at 464 na pagdukot sa mga kabataan upang sapilitang gawing mga child warriors.

Kaparehong ulat at listahan din ang ibibigay naman Nacnac kay Mr. Dany Merhy, ng International Committee of the Red Cross (ICRC) Deputy Head of Delegation sa ginanapap na AFP-ICRC IHL Integration Planning Workshop sa Baguio City nito lamang May 27.

Noong April 22 lamang, nagkapirmahan ang AFP at ICRC ng isang Memorandum of Understanding (MOU) upang palakasin ang koordinasyon ng tambalan ng dalawang institusyon para maipatupad ang IHL.

Para maumpisahan ang implemetasyon ng MOU, ang AFP at ICRC ay nagsagawa ng IHL Integration Planning Workshop sa Baguio City noong May 26-28. Ang layunin ng seminar ay makalikha ng magandang plano at ‘roadmap’ para sa integrasyon at paglalatag ng mga ‘organizational set-up’ sa mga pasilidad upang umusad ng maayos ang proseso.

Bukod sa prosekusyon, maoobligang pagbayarin ang CTG sa mga naging biktima nito ng mga paglabag sa karapatang pangtao, pang-aabuso at mga pagpapahirap na aabot na sa bilyong dolyar na halaga.

Ipinaliwanag naman ni Undersecretary Severo Catura, tagapag-salita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa larangan ng human rights, peace process, at international engagements, na sa ilalim ng mga lokal at internasyunal ng mga batas, ang mga masasangkot na pangkat sa mga panloob na kaguluhan sa bansa na mapapatunayang nakagawa ng mga pang-aabuso at pgagpapahirap ay maaaring pagbayarin ng mga hukuman sa kanilang mga naging biktima.

Inilista ang CPP-NPA na isang ‘terrorist organization’ ng bansang Estados Unidos, ng European Union, ng United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at ng bansang Pilipinas.(Boy Celario)

The post ‘Magagaya ang CPP-NPA sa sinapit ng mga Nazis’-Palasyo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Magagaya ang CPP-NPA sa sinapit ng mga Nazis’-Palasyo ‘Magagaya ang CPP-NPA sa sinapit ng mga Nazis’-Palasyo Reviewed by misfitgympal on Mayo 30, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.