Arestado ang salarin sa pamamaril sa 15-anyos na binatilyo na tumanggi sa kaniyang utos sa Pasig City.
Kinilala ang inaresto na si Anwar Pascan E. Piang, 19-anyos o mas kilala bilang si “Alias Negro.”
Sa report, nadakip si Piang sa follow-up operation ng Pasig Police sa pangunguna ni Police Staff Sergeant Joselito Sedeño sa night market sa Pasay City.
Nabawi ng Pasig City Police ang baril na ginamit sa pagbaril sa Grade 7 student na si Richard Misa.
Ayon sa ulat, sinabi ni Piang na aksidente niya lamang na nabaril ang biktima.
Nasa kustodiya na ng Pasig City Police Criminal Investigation Division si Piang.
Ayon sa magulang ng biktima, nauutusan ng mga kapitbahay ang kaniyang anak kapalit ng ibinibigay na barya.
“Kahit anong bagay po, inuutusan, sumusunod po ‘yan,” sabi ng ama ng biktima na si Raul Misa.
Pero nitong Miyerkules, batay sa kuwento ng saksi, ilang beses daw inutusan ng suspek na si “Alias Negro” ang biktima para bumili ng kung ano-ano pero nang mapagod tumanggi na ito.
Nagalit si Piang at naglabas ng baril, dahilan para mabaril si Misa. (Gaynor Bonilla)
The post 15-anyos tumanggi sa utos, binoga appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: