Facebook

P2m ecstasy nakumpiska sa BGC

Daan-daang piraso ng ecstasy ang nasabat sa apat na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa Bonifacio Global City, Taguig nitong Sabado.
Naaresto sa operasyon ang 4 na lalaki na nasa loob nang sasakyan nang magkaroon ng bayaran sa agent na nagpanggap na buyer.
Ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nakumpiska ang 500 piraso ng Molly o capsulized ecstasy at 100 piraso ng MDMA o ecstasy tablet na nasa halos P2 million ang tinatayang kabuuang halaga.
Ayon kay NCRPO Regional Director Maj. Gen. Vicente Danao Jr., bahagi ito ng isang follow-up operation na layong matunton ang supply chain ng party drugs sa Metro Manila na isinuplong ng mga dati na nilang naaresto.(Gaynor Bonilla)

The post P2m ecstasy nakumpiska sa BGC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P2m ecstasy nakumpiska sa BGC P2m ecstasy nakumpiska sa BGC Reviewed by misfitgympal on Mayo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.