Facebook

Lalaki nalibing ng buhay sa hinihukay na balon

Patay ang isang lalaki nang matabunan ng gumuhong lupa mula sa ginagawang balon sa Barangay Nagsulang sa bayan ng Lemery sa Iloilo, Biyernes ng umaga.
Kinilala ang namatay na si Daniel Biana, 24 anyos at nakatira sa Barangay Carmelo sa Banate sa naturang lalawigan.
Sa ulat, kasama ng biktima ang kaniyang ama sa paghuhukay sa ginagawang balon nang bigla itong gumuho at natabunan ang dalawa.
May 15 talampakan ang lalim ng balon kung saan natabunan ang mag-ama.
Mapalad naman na nakaligtas ang ama na kaagad nakaakyat sa itaas.
Samantala, umabot pa ng 30 minuto bago nakuha ang anak nito mula sa gumuhong balon.
Kaagad na dinala sa ospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival ng doktor.

The post Lalaki nalibing ng buhay sa hinihukay na balon appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lalaki nalibing ng buhay sa hinihukay na balon Lalaki nalibing ng buhay sa hinihukay na balon Reviewed by misfitgympal on Mayo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.