Facebook

2 MMDA enforcers sibak sa kotong

SINIBAK sa serbisyo ang dalawang traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos mag-viral sa social media ang video ng kanilang ginawang pangingikil.
Kinilala ang dalawang enforcers na sina Edmon Belleca at Christian Malemit, kapwa guilty sa kasong ‘extortion’ at ‘grave misconduct’.
Nabatid na nakuhanan ng video ang dalawa noong Abril 23, 2021, na nanghihingi ng P1,000 mula sa hinuli nilang motorista dahil lumabag sa Republic Act 10913, Anti-Distracted Driving Act and Reckless Driving.
Ini-upload ito ng isang netizen na nakilalang si Miriel Custodio hanggang sa mag-viral ito sa social media.
“Natapos na po ang imbestigasyon ng MMDA sa kaso ng dalawang enforcers na ito. Dahil sa bigat ng mga ebidensya laban sa kanila, sila po ay napatunayang ‘guilty’ kaya’t tanggal na po sila sa kanilang tungkulin at hindi na maaaring makapag-serbisyo pang muli,” ani MMDA Chairman Benhur Abalos. (Gaynor Bonilla)

The post 2 MMDA enforcers sibak sa kotong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 MMDA enforcers sibak sa kotong 2 MMDA enforcers sibak sa kotong Reviewed by misfitgympal on Mayo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.