SUMAKABILANG buhay ang arestadong opisyal ng grupong Anakpawis dahil sa mga komplikasyon dulot ng Covid-19 nitong umaga ng Martes, Mayo 11 .
Base inilabas na pahayag ng grupo, namatay si Joseph Canlas dahil sa hindi makatarungan at matagal na pagkakakulong.
Si Canlas ay vice-chairperson ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, chairman ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson at bise-presidente ng Anakpawis partylist.
Sa unang inilabas na pahayag ng KMP, sinabi na ang miserableng kondisyon sa kulungan at pagpapabaya ng jail officers ang nagpapalala sa kondisyon ni Canlas.
Noong Sabado isinugod sa Jose B. Lingad Memorial Hospital sa Pampanga si Canlas nang makaranas ng hirap sa paghinga at nitong Lunes ay na-comatose ito at nilagyan ng mechanical ventilator.
Nabatid na si Canlas ay may hypertension at diabetes.
Inaresto si Canlas Marso 30, 2021, at ayon sa kanyang mga kasama, gawa-gawa ang mga kaso at ebidensiya na isinampa laban dito.
The post Dinakip na opisyal ng Anakpawis nagkasakit sa kulungan, nasawi sa Covid-19 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: