Facebook

Pila sa ayuda inararo ng dump truck: 1 patay, 9 sugatan

ISA ang nasawi at siyam ang nasugatan nang araruhin ng dump truck ang gilid ng city hall ng San Jose del Monte City, Bulacan.
Sa report, inatake sa puso ang driver ng dump truck na pag-aari ng lokal na pamahalaan dahilan upang masagasaan ang mga tao na pumipila sa ayuda.
Kinilala ang nasawing driver na si Herminio Gerona, 57 anyos, residente ng Barangay Graceville ng nasabing lungsod.
Kaagad namang isinugod sa ospital ang lima sa mga nasugatan habang ang apat ay binigyan ng pangunang lunas sa lugar.
Ayon kay San Jose del Monte City Mayor Arthur Robes, sasagutin lahat ng lokal na pamahalaan ang gastos ng mga nasugatan at nasawi sa insidente. (James de Jesus)

The post Pila sa ayuda inararo ng dump truck: 1 patay, 9 sugatan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pila sa ayuda inararo ng dump truck: 1 patay, 9 sugatan Pila sa ayuda inararo ng dump truck: 1 patay, 9 sugatan Reviewed by misfitgympal on Mayo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.