Facebook

HINDI KA-LEVEL NI CARPIO ANG PANGULO

AMBISYOSONG bagong saltang pulitiko galing sa pagiging mahistrado, gusto pang sapawan ang mga orig na kalaban ng Pangulo gamit ang isyu ng iskarboro na nadorobo noong panahon nila ng mga Tsino.

Kagat agad nang painan ang paepal na retiradong Assistant Chief Justice ng isang debate challenge ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa usaping territorial dispute ng Pilipinas at China.

Ang self-proclaimed leader kuno ng opposition ay call agad sa hamon ni PDu30. Akala niya ay ito na ang pinakahihintay niyang sandali upang ma- justify na di na siya isang osla na alagad ng hudikatura tungo sa pagpatibay ng kanyang estado sa pulitika.Akala ay CARPIO HOUR na niya.

Op kors lalong titindi ang hangin sa tuktok nito at masasapawan na talaga ang mga tunay na oposisyong noon pa nagkakarandapa upang pabagsakin ang working President na di nila matinag dahil sa taas ng popularidad nito sa masa.

Ka-debate nga naman ang Pangulo kaya sunggab agad siya kahit alam niyang di kakayanin at ilalampaso lang siya sa legal at mga REAL TALK ng abogado ring Chief Executive dahil nasa panig ng katotohanan si PRRD.

Biruin mo, retired Chief Justice na siya, wala namang karanasan sa pulitika at MEDIA CREATION lang ang kanyang angas, kaya isang napakalaking opurtunidad ang patusin siya ng Pangulo sa isang debate. Buhay ang naghihingalo niyang pangalang nasa twilight zone na.Kagat na naman sila sa pain ni PDigong. Di na natuto ang mga oposisiyon.

Kahit naman di na pagdebatehan ang isyu tungkol sa China ay alam ng mayorya na ang may kasalanan ng pagka-kamkam at pagkawala ng islang inaangkin natin ay ang nakaraang administrasyon .Sila ang nagbigay in a silver platter at nagpayurak sa ating soberenya.

Sino ba ang umatras at tuluyang umalis sa isang standoff sa boundary na iyon ng karagatan kaya nakaabante ang dupang na China kundi ang nakaraang administrasyon na panahon pa ni Carping. Tapos sinisisi nila kay PDu30 ang isang kapabayaan at karuwagan.

Inaabsuelto nila ang sarili sa pagiging taksil sa bayan. TREASON ang pataw diyan at iyan at walang kapatawaran sa batas at sa Sambayanan… Sabi nga ng isang aydol nating Mambabatas, ang tanging panapat sa debate kay ACJAC ay walang iba kundi ang matalas sa bokang si Atty. Larry Gadon.Call?Hindi rin lalo uubra si Carpy kay Sec. Harry..wanna bet?

Ano say ng ating pinagpipitagang kabandilang LARRY ‘GAT’ ANDES ng FLAG-LAMP?….ABANGAN!

Lowcut: Special birthday greetings kay Ms Gliselle ‘ Mame Tiger’Salutillo May 13 bukas diyan sa Brisbane, Australia.Si Ms Giselle ang siyang masugid na sumusuporta sa adbokasiya ng FLAG – LAMP Australia Chapter. Ang naturang civic – oriented organization for a cause ay pinamumunuan ni G.Larry ‘Gat Andes na may napaka- makabuluhang adbokasiya para sa mamayang Pilipino ngayon , sa susunod na taon at anim o mas mahaba pang panahon bilang lingkod- bayan at kaisa si Mame Tiger diyan pati na ang mga Pinoy na nasa Australia , New Zealand, Canada, USA , Europa , Asia at mismong sa Pilipinas upang itanghal ang isang bansang tunay ang mga nanunungkulan at hindi mga trapo o political clans na nagpahirap lang sa bayan. HBD Ms Glessie..ALL THE BEST!!!See you in Manila soon.

The post HINDI KA-LEVEL NI CARPIO ANG PANGULO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
HINDI KA-LEVEL NI CARPIO ANG PANGULO HINDI KA-LEVEL NI CARPIO ANG PANGULO Reviewed by misfitgympal on Mayo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.