Facebook

Scammer nagparetoke para matakasan ang mga nabiktima

ARESTADO ang isang babaeng scammer na nagawang magparetoke ng kanyang mukha upang matakasan ang kanyang mga nabiktima.
Kinilala ang nadakip na si Wendinel Mendoza.
Sa ulat, Mayo 1 nahuli si Mendoza ng Mandaluyong Police.
Napag-alaman na ang screenshot ng online bank transfer transaction na peke ang ginagamit na modus ni Mendoza para makapambiktima.
Pati ang doktor na nagretoke sa kaniyang mukha, nabiktima rin nito.
Ayon sa ulat, iisa ang kuwento ng mga naging biktima ni Mendoza. Na isa itong reservation coordinator, negosyante, may-ari ng condo, at cosmetic surgeon, tungkol sa paggamit nito ng pekeng screenshots ng bank transfer.
Pero nang maaresto si Mendoza, tila nagkaroon ng pag-aalinlangan ang mga biktima dahil nagbago na ang hitsura nito tulad ng pagkakaroon ng dimple kahit hindi ngumingiti.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban kay Mendoza.

The post Scammer nagparetoke para matakasan ang mga nabiktima appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Scammer nagparetoke para matakasan ang mga nabiktima Scammer nagparetoke para matakasan ang mga nabiktima Reviewed by misfitgympal on Mayo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.