Facebook

Suntukan ng bgy. captain at trike driver na-hulicam

HULI sa video ang suntukan ng isang barangay captain at tricycle driver sa Sariaya, Quezon.
Sa video, makikitang sinita ng barangay captain na si Richard Pasumbal ang trike driver na si Axel Brian Baladad dahil sa pagparada sa gilid ng kalsada. Maya-maya lang ay makikitang nagsusuntukan na ang dalawa.
Nang humupa ang gulo ay makikitang umuwi na ang driver ngunit sinundan siya ng barangay kapitan at bumunot pa ito ng baril.
Ayon kay Pasumbal, uminit ang ulo niya dahil paulit-ulit na nilang sinisita si Baladad sa pagparada sa bawal na lugar.
Depensa naman ni Baladad, ayaw siyang papilahin ni Pasumbal kaya sila nagkainitan. Sasampahan daw niya ng reklamo ang barangay captain.

The post Suntukan ng bgy. captain at trike driver na-hulicam appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Suntukan ng bgy. captain at trike driver na-hulicam Suntukan ng bgy. captain at trike driver na-hulicam Reviewed by misfitgympal on Mayo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.