Facebook

246 tinamaan ng COVID-19 variants of concern

UMABOT na sa bilang na 246 ang mga pasyente sa bansa ang natukoy na dinapuan ng iba’t ibang variants of concern (VOC) ng COVID-19.

Sa pinakahuling whole-genome sequencing report ng Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH), nabatid na nakapagtala pa sila ng isang karagdagang B.1.617.2 variant case o Indian variant; 104 kaso ng B.1.1.7 variant o UK variant; 137 kaso ng B.1.351 variant o South Africa variant, at apat na P.3 variant cases o Philippine variant.

Ayon sa ulat, nasa 13 na ang Indian variant cases ng COVID-19 sa Pilipinas matapos na madagdagan ng isa pa.

Ang pasyente ay isang recovered Returning Overseas Filipino (ROF) na galing sa United Arab Emirates (UAE) at may address sa Cordillera Administrative Region-CAR.

Nakakumpleto umano ito ng 10-day isolation matapos na dumating sa bansa at na-discharged matapos na mabigyan ng sertipikasyon sa kanyang paggaling.

Samantala, umaabot naman na sa 1,071 ang UK variants cases sa bansa matapos na makapagtala pa ng karagdagang 104 kaso.

Kabilang dito ang isang ROF, 89 na local cases, at 14 na biniberipika kung local o ROF cases.

Base sa case line list, limang kaso dito ang aktibo pa, tatlo ang namatay habang 96 naman ang nakarekober na.

Ayon sa DOH, ang South Africa variant cases naman sa bansa ay umaabot na ngayon sa 1,246 matapos na madagdagan pa ng 137 bagong kaso.

Kabilang dito ang isang ROF, 127 na local cases, at siyam na biniberipika pa.

Base sa case line list, siyam na lamang sa mga ito ang aktibong kaso pa, lima ang namatay at 123 naman ang nakarekober na.

Samantala, sa apat namang Philippine variant cases, tatlo ang local cases at isa ang biniberipika pa. Lahat ng pasyenteng ito ay gumaling na rin.

Hanggang sa kasalukuyan, nabatid na umaabot na sa kabuuang 7,547 COVID-19 positive samples ang naisailalim ng UP-PGC at UP-NIH sa genome sequencing.

Sa bilang na ito, 2,494 ang mayroong variants na masusing minu-monitor ng DOH, at 26 na lamang sa mga kaso ang nananatiling aktibo. (ANDI GARCIA)

The post 246 tinamaan ng COVID-19 variants of concern appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
246 tinamaan ng COVID-19 variants of concern 246 tinamaan ng COVID-19 variants of concern Reviewed by misfitgympal on Mayo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.